CHAPTER FIFTEEN

23.7K 771 22
                                    


Pagkakita sa kanya ng mommy niya, kaagad siya nitong niyakap. Nagulat naman siya. Hindi naman kasi likas na gano'n ang ina. Sa mga ate niya, oo. Pero sa kanya na bunso, bihirang-bihira itong magpakita ng pagkagiliw. 'Ika nga nito palagi, nabigo na nga siyang magkaroon ng anak na lalaki nang dahil sa kanya, hindi pa matutupad ang pangarap nitong magkaanak ng beauty queen sa pamamagitan niya.

"Naku 'nak, pakisabi sa asawa mo na maraming-maraming salamat do'n sa mga bigay niyang lapad! Totoo nga palang ang lapad ng pera ng mga Hapon!" at tumawa-tawa ito.

Kaya naman pala!

"Nahiya nga kami ng daddy n'yo sa inyo dahil imbes na kami ang magbigay ng regalo, kayo pa ang nag-abot," nakangiting patuloy pa ng ina. Lumapit pa ito sa kanya at may ibinulong, "Pero kung may natitira pa kayong lapad diyan ay hindi namin tatanggihan," at tumawa na naman ito.

At nahiya pa kayo niyan, ha?

Kahit medyo nairita sa kinagisnang ina, hindi pa rin magawa ni YZ na kausapin ito tungkol sa pamilya ng napangasawa ng mga ate niya. Ang sabi ni Ren, dahan-dahanin na raw niya ito at nang hindi mabigla. Pero paano siya makapagkuwento tungkol doon kung puro na lang pera ang bukambibig nito ngayon?

"Buti pa nga kayo, anak. Kahit wala kaming regalo, nag-abot kayo sa amin. Ang mga ate mo----hay! Ni singkong duling wala man lang binigay. Minsan nga ayaw ko nang maniwalang ang yayaman ng mga napangasawa nila," tila pagsusumbong pa nito.

Dahil hindi nga naman mayaman!

"Mommy," paunang salita niya. Kinuha niya ang isa nitong palad at pinisil-pisil. Naputol ang pagrereklamo nito tungkol sa mga kapatid. Tinitigan siya nang may pag-aalala. Pero kaagad din iyong napalis. Napalitan iyon ng kagalakan. Nalito tuloy si YZ.

"Naku 'nak! Naunahan n'yo pa sina Claire at Albert? Magkakaapo na kami sa inyo ni Ren?"

Ha? Saan nanggaling iyon?

"Hindi ho ako buntis, Mom. Wala pa ho kaming plano ni Ren na magkaanak."

"E ano pa'ng hinihintay n'yo? Wala namang problema kung magbuntis ka agad dahil wala ka nang trabaho, di ba? Makakapag-concetrate ka na sa magiging anak n'yo kung sakali."

Napakamot-kamot siya sa ulo. Kailan ba siya nito hahayaang magsalita?

"Kasi Mom---"

"Sabihin mo kay Ren na mas maigi habang maaga pa mag-anak na kayo kamo. Sa dami ng mamanahin ng magiging anak n'yo sa kanya, mas mainam kung marami kayong supling."

Napatirik siya ng mga mata. Pero hindi yata napansin ng mommy niya iyon dahil sige pa rin ito sa kakukuwento kung bakit pabor sa kanila ang malaking pamilya. Sa kalagitnaaan ng kuwento nito, nag-ring ang phone niya. Si Ren.

"Have you told her?" kaagad na tanong nito nang makapag-hello siya.

"Hindi pa nga, e." Tumayo siya at lumayo muna sa ina.

"Why not?" tila nayayamot na tanong ni Renz. Nagtaas pa nang kaunti ang boses.

"Ang daming kuwento, e. Hindi ko naman basta-basta maka-cut nang gano'n-gano'n lang. Ang bigat ng sasabihin ko. Siyempre, kailangan ko ng buwelo."

Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya at nagpaalam na.

"Si Ren ba iyon?" tanong kaagad ng ina pagbalik niya.

"Oho," sagot niya sabay upo sa harap nito. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita.

"May ipagtatapat po ako sa inyo, Mommy. Sana hindi kayo mabibigla. Ano po kasi---"

My Supah Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon