A/N: Ito pala sana ang prologue ng story na nakaligtaan kong i-post dati.
**********
"Stephanie Caroline! Claire Marinette!"
Nagulat ang tatlong batang naglalaro ng putik sa harap ng kanilang bahay. Dumagundong kasi ang boses ng kanilang ina. Namumula ang mukha nito sa galit. Dali-dali pa itong lumapit sa kanila at pinagkukurot ang dalawang mas nakatatanda.
"Mommy, huwag po!" pakiusap ng dalawa.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na huwag kayong maglaro sa putikan? Hindi bagay sa inyo! Mamaya niyan magkagalis pa kayo at magkapeklat. Hindi na kayo makakasali sa Binibining Pilipinas! Gusto n'yo ba iyon?"
Umiyak ang mga bata. Nangatwiran pa sila. Bakit daw ang bunso nila ay hinahayaan lang magtampisaw at maglaro sa putikan?
Saglit lang na lumingon ang ginang sa pinakabatang anak at parang wala sa loob na nagsabing, "'Yaan mo iyan. Sa itim niyan, hindi naman tatablan ng mikrobyo iyan. Tsaka hindi naman natin isasali sa beauty contest iyan, e. Kaya okay lang iyan magkapeklat."
Nangpumasok na ang tatlo sa loob ng bahay, malayang tumulo ang pinipigilang luha ngmag-a-anim na taong gulang na si YZ. Tiningnan nito ang mga braso't binti na puno na ng putik atsiya'y impit na napahagulgol.
BINABASA MO ANG
My Supah Love (COMPLETED)
ChickLitHindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't tindig palang daw niya hindi naman siya makakakita ng disenteng trabaho. Sayang lang daw ang pang-matr...