A/N: Dedicated to the first reader who voted!
**********
"Iyang Donya Pipay na iyan nakakahalata na ako, ha?" bulong sa kanya ni Lota habang inaayos nito ang bridal train niya.
"Tumahimik ka at baka marinig tayo," saway ni YZ sa kaibigan.
"Palagay ko, dating taga-squatters iyan. Kasi kung totoong mayaman ang bruhang iyan dapat sana'y may breeding man lang siya kahit kaunti."
Nilagay ni YZ ang hintuturo sa bibig para patahimikin si Lota. Lumalapit na kasi ang alalay ng wedding planner nila na saksakan ng sipsip kay Mrs. Jardeleza.
"Mag-uumpisa na tayo in a few minutes," matabang nitong sabi bago pinuntahan ang Ate Claire niya na nasa dulo ng room. Halos lahat silang staff ng tagapamahala sa seremonya ay naro'n sa kapatid niya. Okay lang din naman sa kanya. Hindi naman siya maarte.
"Double wedding nga kayo, pero pinapamukha naman sa iyong sampid ka lang. Ano ba naman ito, oo," komento pa uli ni Lota.
Siniko na ito ni YZ. Pinandilatan lang siya ng kaibigan.
Kung sa bagay may katwiran naman ito. Nang pagtabihin na kasi sila ng ate niya, nagmukha siyang alalay nito. Bukod sa mas maganda ito ng di hamak, mas doble pa ang haba ng bridal train nito kaya nangangailangan pa ng walong batang babae na hahawak sa gilid nito para maayos ang pagkakalatag sa sahig ng simbahan, samantalang ang sa kanya'y hinayaan na lang bumagsak sa carpet. Walang may hawak no'n. Nagprotesta sana ang mommy niya at sinabi kay Claire na dapat hati raw sila ng mga batang alalay pero mariing tumanggi ang donya nitong biyenan. Para walang gulo sinabihan na lang ni YZ ang ina na huwag nang intindihin ang bridal train niya.
Kung kanina aping-api ang pakiramdam ng dalaga, naibsan naman lahat iyon nang masilayan na niya ang kanyang groom. Halos sumabog ang kanyang dibdib sa pagmamalaki. Di tulad niya, hindi ito naungusan ni Alfred sa kakisigan. Sa tingin pa nga niya, mas ma-appeal si Renz. Mas kiniligan ng mga bisita nilang dalaga't bading. Bukod kasi sa kinis ng kutis nito, nakakahalina ang singkit nitong mata na animo'y nangangako ng isang libo't isang kaligayahan.
Nang magtama ang paningin nila ni Ren, pakiramdam ni YZ tumili anng tumili ang puso niya. Wala itong kangiti-ngiti. Mataman lamang siyang pinagmamasdan na animo'y totoo sa loob ang pagpapakasal nila. Kung hindi nga lang sa mga napagkasunduan nilang kondisyones, iisipin talaga niyang may gusto ito sa kanya at tunay ang kanilang kasal.
Nang magtabi na silang dalawa, hindi siya mapakali. Parang nae-excite siyang di maintindihan. Hindi siya makapag-concentrate sa sinasabi ng pari dahil nalalango siya sa bango nito. Nai-imagine na niya kung ano ang magaganap nang gabing iyon. At gusto niyang magtatatalon sa kilig.
Bumalik ang diwa niya sa kasalukuyan nang siniko siya ni Ren.
"Tinatanong ka ng pari," bulong nito.
"H-Ha? Ano raw?" nahihiya niyang balik-tanong. Pabulong. Napatirik lang ng mga mata si Renz pero hindi siya sinagot.
Napangiti naman ang pari at inulit nito ang sinabi. Pinamulahan si YZ bago sumagot ng mahinang, "Yes, I do, father."
Nang matapos ang seremonya ng kasal, tumayo agad ang mga magulang ni Alfred at binati ang anak at ang manugang. Sinenyasan ng babae ang official photographer na kunan na raw sila ng litrato. Napakamot na lang sa ulo ang wedding planner dahil hindi ito nakapaghintay sa sequence ng photo taking. Ilang beses silang nagpakuha ng larawang mag-asawa kasama ang bagong kasal kaya napatanga muna sa tabi sina YZ at Ren.
Matapos ang kung ilang shots, sinenyasan ng wedding planner sina Albert at Claire na lumapit muna kina YZ at Renz para sa wedding photo nilang apat. Kitang-kita ni YZ kung paano napasimangot si Mrs. Jardeleza pero kaagad din naman itong tumabi.
BINABASA MO ANG
My Supah Love (COMPLETED)
ChickLitHindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't tindig palang daw niya hindi naman siya makakakita ng disenteng trabaho. Sayang lang daw ang pang-matr...