CHAPTER TWENTY-ONE

24.6K 738 25
                                    


"Magsabi ka ng totoo, maganda ba ako?" tanong ni YZ kay Lota pagkaupo na pagkaupo ng kaibigan sa harap niya. Halos sila na lang ang tao sa Starbucks sa Alabang Town Center nang mga sandaling iyon. Papasara na kasi ang naturang coffee shop.

"Pinapunta mo ako rito ora-orada para lang tanungin niyan?" napapantastikuhang balik-tanong ni Lota. Mukhang iritado na ang mukha nito.

"Tinatanong kita. Sagutin mo ako," naiinis niyang sagot.

Napatirik ng mga mata si Lota. At pabagsak na nilagay sa mesa ang shoulder bag.

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo noon pa? Hindi ka nga kasing ganda ng mga ate mo, pero hindi ka rin naman panget!" Dahil napataas ang boses ni Lota, napasulyap sa kanila ang babaeng nasa counter. Napangiti pa ito.

"Totoo ba iyan o binobola mo lang ako? Alam ko namang mambobola ka minsan, e!" Napataas na rin ng boses si YZ. Hindi alintana na pinagtitinginan na sila ng mga tao roon.

"Para saan ba ang usapang ito? Alam mo ba kung ano'ng oras na? Wala na akong masasakyan nito pauwi! Buti ka't mayroon kang service. E ako? Makikipila pa ako sa terminal ng dyip papunta sa amin."

"Ipapahatid kita, bruha!"

Biglang umaliwalas ang mukha ni Lota. Ngumiti na ito.

"Iyan talaga ang gusto ko sa iyo, fren. Maalalahanin ka rin paminsan-minsan." Lalo itong napangiti nang dumating ang smores na inorder ni YZ para sa kanya. Hinatid pa ng paborito nilang crew sa table nila.

"Ang sabi kasi ni --- ni Ren, ang ganda ko raw," medyo nahihiyang kuwento ni YZ. Mahina na ngayon ang boses niya at bahagya siyang nakayuko. Inasahan niyang uulanin siya ng kantiyaw ng kaibigan, pero tahimik ito. Pag-angat niya ng mukha nakita niyang nakatutok pala ang mga mata nito sa paalis na crew na naghatid ng order nila. At parang natatakam pa ang bruha niyang kaibigan habang sinusundan ng tingin sa counter ang guwapong lalaki.

"Hoy!" gulat niya rito sabay pukpok ng kamao sa mesa.

"Ano ba!" angil ni Lota, parang naalimpungatan.

Napasimangot si YZ. Nakita siguro ni Lota na matter of death ang na-miss nitong dayalogo niya kaya't humingi ito ng paumanhin at pinaulit sa kanya ang sinabi. After some coaxing, kinuwento niya uli. Lumawak uli ang ngiti ng kaibigan.

**********

Napasinghap si YZ nang makitang lumabas ng sasakyan si Ren. Umikot ito at binuksan ang pintuan sa passenger's seat. Bumaba si Mika, ang babae sa video. Inalalayan ito ni Ren hanggang sa makapasok na sila pareho sa isang Japanese restaurant sa Makati.

Parang tinusok ng karayom ang puso niya. Napakagat siya ng labi para pigilan ang nagbabadyang luha.

"Maghahanap na ba ako ng parking, ma'am? Babababa po ba kayo?" tanong ng driver niya.

Huminga siya ng malalim bago niya ito minanduan na umikot at bumalik sa bahay nila. Sapat nang malaman niya na totoo nga ang balitang nasagap sa supermarket. Patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ni Ren sa babaeng iyon.

Tapos sasabihin niya sa aking mahal niya ako? Sino'ng niloloko mo? Hayop ka!

Ang hindi alam ni YZ, may ibang pinag-uusapan ang dalawa sa loob ng restaurant.

"I don't think these designs will gonna work for my Filipino customers. Hindi sila mahihilig sa fluffy blouses. Tsaka gusto ko ng brighter colors. Hindi uubra ang puro grey and black dito. You've seen how the girls dress themselves here," sabi ni Ren sa kaharap sa magkahalong Ingles at Nihongo.

My Supah Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon