A\N: Abangan n'yo po ang one last chapter nito. Hanggang chapter 25 lang po ito. Kung sisipagin, I'll write an epilogue for this one. Nakalimutan ko palang i-upload ang prologue nito. Next time na lang...Thanks for supporting the story!
**********
"Ikaw naman kasi, e. Hindi ba sinabi ko sa iyo? Unang tingin ko pa lang do'n sa bayaw mong hilaw hindi na maganda ang pakiramdam ko. Iba siya do'n sa Alfred. Pero maghinay-hinay ka rin do'n sa isa, ha? Kahit na mas mukhang mapagkakatiwalaan iyon, hindi mo pa rin lubusang kilala iyon. Ang hirap sa iyo kasi, puro ka na lang, "Let's give them a second chance". Hindi lahat ng tao katulad mong trustworthy. Isa pa, tinalo mo sila sa kaso. May rason sila kung gawan ka nila nang masama."
"Gusto ko lang kasing magkaayos na kami ng mga ate ko, e. Hindi ko na kasi kaya ang sitwasyon namin. Hindi ako sanay na wala sila sa buhay ko."
"Naku, umiral na naman ang pagka-sentimental ek-ek mo. Mag-isip ka nga! Kaya nagalit sa iyo si Bosing Ren, e. Baka mapuno iyon at kalimutan na niya ang damdamin sa iyo. Wala kang masisisi kundi iyang katangahan mo."
Pinandilatan niya si Lota.
"Sumusobra ka na, ha? Baka nakakalimutan mo? Ako pa rin ang boss mo!"
Lumabi lang sa kanya ang kaibigan at pinapak nito ang inorder niyang pizza na kaagad din nitong binitawan dahil biglang sumulpot si Ren. Pareho silang napaupo nang matuwid ni YZ.
"I need the De Guzman Enterprise's folder. Nasa sa iyo pa raw sabi ng sekretarya mo."
"Excuse me po," sabi ni Lota sa mahinang tinig at halos patingkayad itong lumabas ng upisina ni YZ. Sumenyas ito sa huli na babalik na lang daw pagka-lunch time.
Pagkakuha sa nasabing folder lumabas din agad si Ren. Pero mayamaya uli ay nagpadala ito ng tao at may pinakuha na namang mga dokumento. Nagmando pa kay YZ na magsumite raw ng general report ang dalaga ng lahat ng kaganapan sa mga negosyo nila nang ito'y wala sa Pilipinas.
Habang abala si YZ sa ginagawang report para kay Ren, sumulpot na naman ang madaldal niyang kaibigan. Ni hindi na ito kumatok pa. Pinandilatan niya ito kunwari at sinenyasang busy siya at walang oras makipaghuntahan..
"May narinig akong balita sa ibaba at hindi na ako makapaghintay ng lunch time. Pinahuli raw ni Boss Ren iyong Conrad."
Natigil sa pagtitipa sa laptop niya si YZ at napatingin na ito nang lubusan kay Lota.
"Sinampahan na raw ng kaso ang bayaw mong hilaw. Nasa upisina ngayon ni Bosing iyong Ate Caroline mo pati na ang mommy mo."
Napatayo bigla si YZ.
"Pupuntahan mo sila? If I were you, steady lang ako rito. Baka lalo kayong magkalabuan ni Bosing. Ipaubaya mo na lang iyon sa kanya, okay?"
Napaupo bigla si YZ. Pero mayamaya uli'y napatayo uli ito at napaikot-ikot sa upisina niya.
"I did more harm than good. Nakakainis!" naibulalas na lang niya bigla.
"On a good note, at least may na-accomplished ka rin. Nagkaayos na kayo ng Ate Claire mo, di ba? Iyan na lang ang isipin mo. Wala ka rin namang magagawa pa. Nangyari na, e. Just be wiser next time, Waiz," nakangising payo ni Lota.
Hinampas niya ito sa braso.
"O, ano na naman ang kasalanan ko? Nagbibigay lang naman ako ng payo rito."
"Huwag ka ngang sarkastiko riyan. Kainis ka rin!"
Hindi nakasagot si Lota dahil bigla na lang bumukas ang pintuan. Kapwa sila napatayo nang matuwid ni YZ nang lumitaw si Ren. Kabuntot nito si Caroline na namumugto na ang mga mata sa kaiiyak at ang mommy nito na sumisinghot-singhot pa rin.
BINABASA MO ANG
My Supah Love (COMPLETED)
ChickLitHindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't tindig palang daw niya hindi naman siya makakakita ng disenteng trabaho. Sayang lang daw ang pang-matr...