Nakita ni YZ ang pagkunot ng noo ng kanyang ama habang matiim silang pinagmamasdan. Maging ang kanyang ina ay mukhang nagulat. Napaawang pa ang mga labi nito. Tumingin muna ito sa kanya, tapos kay Ren. Nahiya siya sa kasama nang lumapit pa ang ina at bistahan itong mabuti. Halata sa mukha nito na hindi ito makapaniwala.
After like an eternity, nagsalita ang kanyang ama. May bagsik sa kanyang boses.
"Sino itong lalaking ito?"
Dahil hindi naman sanay sa ganoong tono ng ama, medyo natakot si YZ. Napatingin siya kay Ren na hindi man lang natitinag sa kinatatayuan. Ni hindi ito kakitaan ng pagkatakot. Bagkus may nakita pa siyang kislap sa mga mata nito na tila natutuwa ito sa mga pangyayari.
"Na-regular ka lang sa trabaho, nagkalakas-loob ka nang mamulot ng palalamunin mo?!" patuloy pa nito na ikinagulat ng dalaga. Hinila niya nanag bahagya ang kamay sa pagkakahawak ni Ren, pero hindi nito binitawan.
"Kailan ka pa natutong mamikot ng lalaki, ha?" sabat naman ng kanyang ina. Parang gusto nang matunaw sa hiya ni YZ.
No'n naman lumabas ang Ate Claire niya na halatang nagising lang sa komosyon sa labas ng bahay. Nagkukusot pa ito ng mga mata. Ganunpaman, para pa rin itong modelo who just stepped out of a fashion magazine kahit na naka-pajamas lang. Parang may kung anong sumundot sa puso ng dalaga habang pinagmamasdan ang graceful na paglapit ng ate niya sa kanila.
"Anong kaguluhan ito, Mom, Dad?" tanong ni Claire tapos bumaling ito sa nakababatang kapatid at sa kasama nito. Maging ito man ay kakitaan ng pagkagulat nang makita si Ren.
"Itong magaling mong kapatid! Nakipagtanan na!" tungayaw ng kanyang ina.
Sa una lang mukhang nabigla si Claire, pero nang ma-realize kung ano'ng pinagsasabi ng ina umaliwalas kaagad ang mukha nito. Lumapit ito kay YZ at sinapo ang magkabilang pisngi ng huli at tuwang-tuwa na humalik sa tungki ng ilong ng dalaga.
"Oh, you're full of surprises!" Bumaling ito kay Ren at binati ang lalaki. Napilitan si YZ na ipakilala ang dalawa kahit na may munting tinig na nagsasabing hindi niya dapat ginawa iyon. From the corner of her eye, nakita niyang pinagmasdan ni Ren with admiring eyes ang kapatid. Nakaramdam siya ng kung ano.
Magtutungayaw pa sana ang kanyang ina, pero masuyo itong pinatigil ni Claire. Maging ang kanilang ama. Sinabihan nito ang mga magulang na papasukin muna sila at doon na sa loob pag-usapan ang dapat pag-usapan. Napabutong-hininga ang mag-asawa, pero tumigil nga sila. Napayuko si YZ. Ganoon ang kaibahan nila ng Ate Claire niya. Gustong tumulo ng kanyang mga luha. Nahiya pa siya kay Ren at nasaksihan nito kung paano siya abahin ng sariling ama't ina.
Papasok na sana sila sa loob nang dumungaw sa kanilang tarangkahan ang kapitan ng barangay. Si Mang Raul.
"Iho, sa iyo ba ang kotseng iyon?" Tanong nito agad kay Ren pagkatapos bumati sa kanyang mga magulang. "Pakitabi lang nang kaunti at medyo nakaharang sa highway. Mahirap na. Baka may makasagi at may masaktan."
"Ay, pasensya na po," paghingi naman agad ni Ren ng dispensa. No'n lang nakapagsalita. Nagpaalam ito sa kanila at bumalik sa sasakyan. Natakot bigla si YZ. Alam na niya ang kasunod no'n. For sure, tatakbo na ang lalaking iyon! Oh no!
Parang wala sa sarili na lumabas din siya sa tarangkahan at pinagmasdan si Ren habang pumapasok sa kotse. There goes my what-could-have-been.
"Daddy, Lexus iyon, a!" narinig ni YZ na naibulalas ng ina pagkakita sa sasakyan ni Ren. Biglang napalingon dito ang dalaga. Nasundan pala siya ng mga magulang. At nakita niyang titig na titig na ang mga ito sa kotse ni Ren. Maging ang Ate Claire niya.
BINABASA MO ANG
My Supah Love (COMPLETED)
Romanzi rosa / ChickLitHindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't tindig palang daw niya hindi naman siya makakakita ng disenteng trabaho. Sayang lang daw ang pang-matr...