CHAPTER TWENTY-TWO

24.2K 812 27
                                    


Mablis na lumipas ang mga araw. Bago namalayan ni YZ dumating na ang oras ng pagbalik ni Ren sa Osaka. Gusto man niya itong pigilan hindi rin niya nagawa. Nadaig siya ng hiya. Paano kasi hindi na ito nagsalita pa tungkol sa damdamin nito sa kanya.

"Kasalanan mo rin. Ang arte-arte mo, e! Nagtapat na sa iyo ang tao pinalampas mo pa. Ikaw rin. Baka pakakasalan na nga no'n ang nabuntis na girlfriend sa Japan," paninisi sa kanya ni Lota nang dumaan ito sa upisina niya sa supermarket. Siya na kasi ang humalili kay Ren sa pagpapatakbo nito maging ng iba pang branches sa Pilipinas.

"Tumigil ka nga! Namomroblema na ako rito. Huwag mo nang dagdagan pa."

"O siya. Iwan na kita rito at parang kailangan mo pang magmuni-muni," at lumabas na nga ng upisina niya ang kaibigan. Pero makaraan ang limang minuto ay humahangos itong bumalik.

"Waiz, 'lika muna! May problema sa 'baba."

Saglit lang tumigil si YZ sa pagtitipa sa keyboard pero nagpatuloy din ito sa ginagawa. Kailangan niyang matapos ang ginagawang report. Baka isipin ni Ren ay nagpapasarap lang siya ng buhay habang wala ito.

"Waiz!" sigaw na ni Lota.

"Just fill me in. Ano ba'ng problema iyan?"

"'Lika ka nga sabi, e!"

"Nando'n si Mrs. Reyes. She can settle it better than I do. Marami pa akong ginagawa rito."

Pagkasabi niya no'n ay nilapitan siya ni Lota at bigla na lang nitong tiniklop ang laptop niya sabay hila sa kanya patayo.

"Ano ba?! Baka nakakalimutan mong ako na ang boss rito?"

Hindi na nagsalita si Lota. Basta na lang siyang kinalakdkad nito. Dinala siya ng kaibigan sa staff room sa ibaba. Parang mayroong kaguluhan doon. May pinapaligiran ang kanyang staff. Nandoon na rin si Mrs. Reyes at ito ang nag-i-interrogate sa nahuli raw nilang shoplifter. Nang malapit na siya sa kumpol ng mga empleyado nagulat siya.

"Mommy?!"

"YZ, anak!" ang sagot kaagad ng ina-inahan. Pero natutop din nito ang bibig. Parang nasabi lang iyon sa kabiglaanan.

Nagbulung-bulongan ang mga staff niya. May natakot. Kanya-kanya na silang sisihan ngayon sa ginawa sa matanda.

"Guys!" saway naman ni Mrs. Reyes. "Okay, let's go. Iwan muna natin sila," at nagpaalam ito sa kanya. Sinenyasan niya ang mga empleyado na lumabas na rin ng upisina. Pati si Lota ay umalis na rin.

"Mommy."

Hindi na sumagot ang ina-inahan. Nakatungo lang ito habang sumisinghot. Nang hawakan ni YZ sa balikat, napahagulgol ito.

"Pasensya na. Walang-wala lang kami ngayon. Kailangan ng gatas ng p-pamangkin mo. Ilang linggo nang giniling na bigas na nilagyan ng asukal lang ang dinedede. Pumayat na siya masyado at natatakot akong magkasakit ang apo ko!"

"Akala ko ho nagbibigay ng sustento ang asawa ni --- ni A-Ate Caroline."

"Ano'ng sustento ang ibibigay no'n? Ni sarili nga hindi kayang buhayin!"

Natigilan si YZ. Gano'n ba iyon ka dependent sa mga magulang?

"P-pasensya n-na s-sa mga---mga ginawa ko n-noon. M-marahil ay p-parusa na ito ng --- D-diyos sa akin. Huwag --- huwag kang mag-alala. Ibabalik ---ibabalik ko ang lahat ng kinuha ko sa supermarket h-huwag mo lang akong ipadampot sa mga pulis. K-kailangan kong ma-makauwi ngayon ng maaga dahil may ---may lagnat ang d-dad---I mean ang asawa ko."

For the first time in her life, nakita niyang magmakaawa ang babaeng kailanman ay hindi niya naringgan ng pagpapakumbaba. Naantig ang puso ng dalaga. Sinilip niya ang laman ng plastic bag na inagaw ng mga empleyado niya bilang ebidensya ng shoplifting nito at nakita niya ang ilang 680 grams na lata ng Enfagrow for toddlers, ilang 100 grams na pakete ng Nescafe, sardinas, tsaka bote ng shampoo't conditioner. Nangunot ang kanyang noo pagkakita sa mga sardinas. Ang alam niya hindi kumakain no'n ang mga kapatid lalung-lalo na ang kanilang ina. Ganoon na ba sila ka hirap ngayon?

My Supah Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon