Hindi na hinintay ni YZ na pagbuksan siya ng pintuan ni Ren. Pagkahinto ng sasakyan, dali-dali siyang umibis dito at dere-deretsong pumasok ng bahay. Pagdating sa kuwarto, nagtalukbong siya agad ng kumot. Mayamaya naramdaman na lang niyang umingit ang kama at may humawak sa kanyang balikat.
"I know what you feel. Ako ma'y ganyan din dati ang naramdaman nang mamatay ang mama ko at dalhin ako ng tunay kong ama sa Osaka. His family never made me feel welcome."
Hindi kumibo si YZ.
"D'you want to talk about it?"
Nainis na siya sa kakulitan ni Ren. Tinanggal niya ang kumot sa ulo at hinarap ito.
"Gusto kong mapag-isa!"
Parang nagulat ito sa pagtaas ng boses niya. Bahagya pang gumalaw ang kilay nito na parang ikinainis iyon. Ganunpaman, hindi naman ito nagsalita pa. Tahimik nitong tinungo ang pintuan.
"Huwag mong isiping nag-iisa ka. Nandito pa si Lola," hirit pa nito bago buksan ang pintuan.
Ano'ng aasahan ko sa matandang iyon? Kahit ilang beses na akong dumalaw sa kanya sa nursing home, Lizzie pa rin siya ng Lizzie sa akin. Not counted na iyon. I'm officially alone in the world. Wala nang pamilya.
Dahil hindi siya sumagot, umalis na rin si Ren. Nang maramdaman niyang nag-iisa na sa kuwarto saka lang niya inalis nang tuluyan ang kumot sa katawan at umiyak nang umiyak.
Kahit parang itinakwil na siya ng kinagisnang pamilya, hindi pa rin niya maalis-alis sa sariling mag-alala para sa kalagayan ng daddy niya. Ano na kaya ang nangyari do'n? Kating-kati na nga ang kamay niyang tumawag sa isa sa mga kapatid. Kaso nga lang, sa kalagayan nila ngayon, siguradong hindi nila papansinin ang tawag niya.
Tumayo siya at kinuha ang cell phone sa bag. Hinanap niya ang lokasyon ng pinagdalhang ospital sa ama. Nang makita iyon ay kaagad niyang hinanap ang contact number nito. Nakailang tawag siya pero busy ang linya. Galit na hinagis niya sa paanan ng kama ang cell phone.
Kahit saang sulok ng dingding niya ibaling ang paningin, ang nanlilisik na mga mata ng kapatid ang nakikita niya. Idagdag pa ro'n ang galit at nag-aakusa ring mga mata ng mommy nila. Ang daddy niya lang ang hindi nagpakita ng pagkagalit. Iyon pala'y dinamdam na ang natuklasang katotohanan. Marahil ngayo'y nag-uusap na ang mga kapatid at ang ina kung paano niya niloko ang mga ito. Na alam na pala niyang hindi sila magkaano-ano ay ni wala man lang siyang sinabi. Mali ba ang ginawa niyang paglihim? Dapat ba sana'y sinabi niya sa mga ito ang totoo nang matuklasan niya ang lihim ng kanyang pagkatao?
Naku, walang dapat sisihin diyan kundi si Ren! Ni hindi ka muna hinintay bago makapagtapat. Minadaling sampahan ng kaso ang mga kaaway diumano ng lola mo. If I know, baka may motibo rin ang hunghang na iyan. Huwag kang pabola diyan!
Dahil gano'n ang line of thought niya nang sumilip muli si Ren sa kuwarto, inangilan niya ito agad. Pero hindi siya pinatulan nito.
"Tumawag na si Macoy, ang assistant ko. Na-revive na raw ang dad mo."
No'n lang naging interesado si YZ. Nakalimutan ang pagkainis kay Ren.
"Ligtas na raw ba ang daddy?"
Tinitigan siya muna ni Ren na parang napapantastikuhan bago sumagot ng, "Oo."
"Thank God!"
"Sobra ka namang maka-emote diyan. Kung tutuusin ni hindi sila naging mabuting magulang sa iyo. They thought you were their own, but they didn't treat you as one. They sent your sisters to expensive private schools but they just enroll you in a public school. Ang mas malala pa, pinag-quit ka after high school kaya napilitan kang mamasukan sa supermarket ko. Tapos kung maka-daddy ka diyan, wagas."
BINABASA MO ANG
My Supah Love (COMPLETED)
ChickLitHindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't tindig palang daw niya hindi naman siya makakakita ng disenteng trabaho. Sayang lang daw ang pang-matr...