CHAPTER SEVENTEEN

23.4K 754 19
                                    

Nang marinig ni YZ ang ugong ng pamilyar na sasakyan, kaagad siyang tumigil sa kaiikot sa living room, at sinilip niya sa bintana malapit sa garahe ang pag-ibis ni Ren sa kotse. Kaagad siyang nakaramdam ng pananabik. Na-excite siyang bigla. Ilang araw na rin kasing hindi sila nagkikita dahil nga abala ito sa pag-aasikaso sa mga negosyo pati na rin sa sinampa nilang kaso laban sa mga Jardeleza at kay Rogelio Tan, ang biyenang lalaki ng Ate Caroline niya.

Tumalon-talon ang puso ni YZ nang makita na itong pumasok ng sala, pero nagkunwari siyang hindi apektado. Hindi rin siya nagpakita ng curiosity sa resulta ng hearing.

"O, para sa iyo," at may inabot na supot sa kanya ang lalaki.

Tumigil siya sa pagpupunas-punas ng mesa at sinilip ang laman ng supot. Kumalam ang sikmura niya nang malanghap ang amoy ng palabok. At hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Naalala niya ang mommy niya. Iyon kasi palagi ang meryenda nila sa hapon. Paboritong luto iyon ng ina.

"Don't you like it?" tila nababahalang tanong ni Ren.

Tumalikod siya at pinahiran ang mga luha sa mga mata. Naramdaman na lamang niyang niyakap siya nito mula sa likuran.

"I bought it knowing that you must have missed it by now," bulong nito sa kanya. "Sorry. Napaka-insensitive ko."

Hindi sumagot si YZ. Palagay niya kasi'y pipiyok ang kanyang tinig. Dahan-dahan na lang niyang binaklas ang mga kamay ni Ren sa baywang niya at lumayo siya nang kaunti rito.

"I saw your parents today in the court. Dinamayan nila ang mga ate mo. Gaya ng inaasahan, pinaringgan ako ng mga kapatid mo ng kung anu-ano. Pati mommy mo nakisali na rin. But at the end of the hearing, your dad came to me and asked me if you're okay."

Napaharap bigla si YZ kay Ren. Kinumusta siya ng daddy niya?

"Mukhang sa lahat sa kanila, daddy mo ang may malasakit sa iyo. I stand corrected. Kahit gano'n pala ang pakita niya sa iyo dati, deep down ay tinuring ka niyang tunay na anak."

Bago iyon sa pandinig ni YZ. Hindi niya iyon inaasahan, kaya hindi niya napaghandaan ang pagbalon ng luha sa mga mata.

Hinila siya ni Ren at niyakap nang mahigpit. Hindi na ito nagsalita pa. Hinagud-hagod na lang nito ang kanyang likuran. She felt good. At may kakaiba siyang naramdaman. Ang bilis at lakas ng tibok ng puso ni Ren ay parang kagaya rin ng sa kanya. May gusto rin kaya sa akin ang damuhong ito?

Bahagya siyang nilayo ni Ren at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Malamlam ang mga mata nito. Parang nakikisimpatiya sa lungkot na nadarama niya.

Nang bumaba ang mukha nito, lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. Alam niyang hahalikan siya nito. May munting boses na nagsasabing kumalas na siya sa pagkakayakap ng lalaki, pero wala siyang lakas para gawin iyon. Sa halip napapikit siya at hinintay ang pagdampi ng labi ni Ren sa labi niya. Pero dumaan ang kung ilang minuto walang halikang naganap. Dahan-dahan siyang napadilat. Titig na titig pa rin ito sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha. Nabatid niyang nabisto na nito ang kanyang damdamin. Para pagtakpan ang pagkapahiya, dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap nito. Subalit imbes na bitawan siya'y bigla na lang bumaba ang mga labi nito at binigyan siya ng isang mapusok at mainit na halik.

Sa simula lang siya mukhang nalito. Makaraan ang ilang saglit ay tinutugon na rin niya ito ng init sa init. Hindi nga niya namalayan na nabitawan na pala niya ang palabok.

Nahimasmasan lang siya nang bumaba sa kanyang pang-upo ang mga kamay ni Ren. Nang pisil-pisilin iyon ng lalaki ay napadaing siya. Kakaiba ang sensasyong kanyang nadarama pero may munting tinig sa kanyang isipan na nagbababala ng panganib. Dahil doon ay tinulak niya nang bahagya ang lalaki. Mukha itong nagulat. Pero hindi naman nagpumilit. Dahan-dahan siyang binitawan. Naging awkward na ang sumunod na pangyayari.

My Supah Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon