Hindi mapakali si YZ. May kung ano'ng init siyang nararamdaman. Alam niya kasing pinto lang ang pagitan nila ni Ren.
Hindi maalis-alis sa isipan niya ang parang nililok na abs nito. Alam niyang hindi dapat niyang pagnasaan ang asawa pero hindi niya makontrol-kontrol ang sarili. Before she was even aware of it, bumaba ang isa niyang kamay sa pagitan ng kanyang mga hita. Hinimas-himas niya iyon. Napakiskis pa ang mga talampakan niya sa malambot na kama. Tumigil lang siya sa pag-alumpihit nang may maramdamang nagbukas ng pinto. Biglang nagmartsa papasok sa kuwarto ang halos nakapikit na si Renz. Naka-boxer briefs lang ang damuho! Walang lingon-likod itong dumeretso sa banyo. Pagdaan nito sa harap ng kama niya, nagkunwari agad siyang tulog. Mayamaya pa, dumaan ulit ang lalaki sa harapan niya. This time, tumigil ito saglit sa harapan ng kama. No'n na pumikit nang todo si YZ. Halos hindi na siya humihinga.
"When she's sleeping, mukha namang anghel. Parang hindi kapani-paniwala na ang sungit ng babaeng ito," sabi pa nito sa mahinang tinig. May matching buntong-hininga pa. YZ almost bolted up, pero nagpigil siya. Napadilat lang siya nang maramdamang nakabalik na ito sa dressing room.
Tinanggal niya ang kumot dibdib. Init na init ang pakiramdam. Totoo ba iyong narinig niya? Mukha raw siyang anghel? Habang paulit-ulit na nire-replay sa utak ang mga sinabi ni Ren, unti-unti namang nawala ang inis niya. Hindi na niya pinansin ang huli nitong sinabi. Ang binalikan niya nang parang sirang plaka ay ang sinabi nitong mukha raw siyang anghel.
Lalong naging malikot ang kanyang imahinasyon pagkatapos. Kung anu-anong pinag-iisip niya. Kaya ang ending nangalumata siya kinabukasan. Ganunpaman, she felt good. Ang sarap ng feeling na for once in her life may nagsabing mukha siyang anghel.
Parang lumulutang pa siya sa alapaap paggising nang umagang iyon, kaya para siyang timang na pahuni-huni habang naghahandang maligo. Animo'y ballerina siya habang nagtatanggal ng saplot sa katawan. Kada tanggal ng damit, umiikot siyang parang timang. Pagkatanggal sa damit, isa-isa niya itong tinupi at nilagay sa basket na nasa tabi ng toilet bowl. Nagmartsa na siya patungo sa shower area. Lulusong na sana siya sa bubble bath na hinanda nang bigla na lang bumukas na parang hinipan ng bagyo ang pintuan at niluwa nito ang pupungas-punga na si Ren.
"Ayyy!" sigaw agad ng dalaga. Dahil nakasabit sa dingding na nasa likuran ni Ren ang bathrobe niya at malayo na rin ang mga pinaghubad niyang damit, pinagkurus na lang niya sa harapan ang mga braso't bisig.
Mukhang nagulat si Ren sa sigaw niya. Kung kanina'y halos nakapikit pa ang mga mata nang pumasok sa banyo, ngayo'y dilat na dilat na.
"Get out! Manyak!" At kaagad siyang nagtago sa likod ng shower curtain.
"Yeah! As if the curtains were thick enough to cover anything."
Naikurus na naman ni YZ ang mga braso sa harapan nang makitang halos wala ngang tinago ang manipis na kurtina. Oo nga pala, honeymooners suite ito. Ang engot ko!
"Lumabas ka na! Bwisit ka!"
Hindi na sumagot si Ren. Pero unti-unti itong ngumiti.
"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?"
Pinasadahan siya nito ng tingin at nakita ng dalaga na unti-unting umigkas ang bukol sa harapan nito. Dahil doon bigla siyang tumalikod.
"Ang manyak mo talaga!"
Narinig niya ang halakhak nito. Nilingon niya ito. Kinindatan siya ng kumag. "Nice butt," ang sabi pa bago tuluyan nang lumabas ng banyo. No'n lang na-realize ni YZ na binalandra niya sa damuho nang buong-buo ang kanyang puwet. Kaagad siyang pinamulahan ng mukha. Ganunpaman, hindi niya natiis na hindi ito tingnan sa full-length mirror na malapit sa bathtub. In fairness, ang kinis pala ng puwet ko!
BINABASA MO ANG
My Supah Love (COMPLETED)
ChickLitHindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't tindig palang daw niya hindi naman siya makakakita ng disenteng trabaho. Sayang lang daw ang pang-matr...