A/N: Pasensya na po sa tagal ng update. Busy lang kasi sa work.
********************
Habang binabasahan ng hatol ng hukom ang mag-asawang Jardeleza, nakatungo lamang ang Ate Claire ni Yz. Tila nananalangin. Ang dalaga nama'y hindi alam kung ano ang gagawin. Kahit saan niya ibaling ang paningin parang nakikita niya ang pagkasuklam ng kapatid. Nagsisi tuloy siya kung bakit siya pumayag sa kagustuhan ni Ren na habulin ang mag-asawang hambog.
Napakislot siya nang bigla na lang ay pisilin ni Ren ang kanyang palad. Nang mapatingin siya rito ay hanggang tainga na ang ngiti nito. Si Mrs. Jardeleza nama'y nagwala.
"Ano'ng nangyayari?" anas niya kay Ren.
Hinila siya't niyakap ng lalaki. Awtomatiko siyang napapikit nang maramdaman ang init ng dibdib nito. Napadilat lamang siya nang marinig ang paglapit ng boses ni Mrs. Jardeleza. Mabuti na lang mabilis si Ren. Iniwas siya nito sa matandang babae. Gusto kasi sana siyang hambalusin nito.
"May araw ka ring panget ka!" sigaw pa nito.
Biglang nanayo ang buhok ni YZ sa narinig. Hindi lang sila basta nagsitayuan. Pakiramdam niya, umusok pa ang mga iyon at nagkorteng zigzag. Tinulak niya si Ren na siyang humaharang sa kanya at sa donya.
"Huwag n'yo ho akong pilitin na patulan kayo, Donya Esperanza," babala niya. May himig sarkastiko sa pagbigkas sa pangalan nito lalung-lalo na sa salitang donya.
"Panget! Panget! Ulikba!" sigaw ng matanda.
Napakuyom ng palad si YZ. Nanginig siya sa galit pero walang namutawing kataga sa mga labi niya. Sa tindi ng emosyong nadarama bigla na lang tumulo ang mga luha niya. Naramdaman niya ang masuyong pagpisil ni Ren sa kanyang balikat.
"Let's go," bulong nito sa kanya.
"Ang sama-sama niya! Wala siyang kasing sama!" gigil na gigil niyang sabi. Parang sarili lang ang kausap. Tumingin pa siya saglit kay Mrs. Jardeleza na ngayo'y inaalalayan na ng asawa na bumalik sa upuan nila. Katabi nito ang dalawang pulis na siguro'y tumulong sa pag-awat sa pagwawala kanina ng ginang. Bago ito nakarating sa upuan binatukan ito ng mommy niya.
"Kung magsalita ka'y akala mo naman ubod ka ng ganda!" sabi pa ng ina na ikinagulat ni YZ maging ng kanyang mga kapatid.
May kung anong humaplos sa puso ng dalaga. Napangiti siya rito nang sumulyap ito sa direksiyon nila, pero imbes na suklian din ang ngiti niya pinukol lang siya nang matalim na tingin. Nalito siya. Inakala niya kasing kakampi na niya ulit ang mommy.
Makalipas ang ilang buwan, nahatulan din si Rogelio Tan, ang father-in-law ng Ate Caroline ni YZ. Kagaya ng hatol sa mga Jardeleza pinapabalik ng korte sa pamilya nila YZ ang mga ninakaw nitong ari-arian. Pinagbayad pa ito ng dalawampung milyong pisong danyos. Mababa lang ng sampong milyon sa parusa ng mga Jardeleza. Kagaya ng reaksiyon ni Donya Esperanza nagwala rin ang maybahay nito. Minura-mura pa si YZ. Pero hindi iyon ang nagpaiyak sa dalaga. Nang makita niyang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang Ate Caroline niya, parang tinusok ng karayom ang kanyang puso.
Hanggang sa bahay nila ay iyak siya nang iyak na inakala naman ni Ren ay dahil sa napagsabihan na naman siyang ulikba.
"Why do you have a strong aversion for that word---ulikba? What does it mean?"
Tinapunan niya ito nang masamang tingin. Inakala niyang iniinis lang siya nito. Nang nanatiling seryoso na parang nalilito ang ekspresyon sa mukha nito tinalikuran niya ito.
"Hey! I am serious! I don't know what it means. Is it another word for panget?"
Bigla siyang napa-about face.
BINABASA MO ANG
My Supah Love (COMPLETED)
Chick-LitHindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't tindig palang daw niya hindi naman siya makakakita ng disenteng trabaho. Sayang lang daw ang pang-matr...