Nagkatitigan sila ni Ren at bago pa niya mahulaan ang gagawin nito, naramdaman na niya ang mainit nitong labi. Awtomatikong napapikit siya. Gaya noon para na naman siyang nilakbay nito sa kaluwalhatian. Pakiramdam niya may pumutok na fireworks. Nawili siya sa paghanga sa kumukutitap sa paligid hindi niya namalayan na tapos na pala ang palabas.
Pinamulahan siya ng mukha nang makitang nakatunghay na sa kanya si Ren. Tapos na pala ang halik. Hindi mo man aminin, bistado ka na. Di pa pikit-pikit ka pa kasi, e!
Para maisalba ang pride, tinulak niya ito at naupo sa swivel chair sa likuran ng desk niya. Nagkunwari siyang abala sa pag-aayos ng mga folders sa mesa para may rason siyang huwag tumingin kay Ren.
"Hanggang ngayon ba magkukunwarian pa rin tayo? I know how you feel about me now," seryosong pahayag nito at lumapit pa sa mesa niya.
Hindi nag-angat ng mukha si YZ. Alam niya kasing para na siyang hinog na kamatis. Ewan ba, excited siyang malaman na parehas sila ng saloobin pero hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Bago kasi ang karanasang ito para sa kanya. Ni hindi siya ever naligawan o nalapitan man lang ng lalaking gusto niya kaya nakakapanibago. Hindi niya tuloy alam kung paano umakto. Pakiramdam niya kasi kung aamin siya agad-agad ay baka isipin nitong gano'n siya kadaling bolahin. Malay ba niya kung talagang totoo ang damdamin nito sa kanya.
"YZ!"
Nagulat ang dalaga nang bigla na lang ay hulihin ni Ren ang mga kamay niya.
"Are you even listening to me?"
Napalunok siya. Sunud-sunod. Ang naiiritang ekspresyon sa mukha ni Ren ay napalitan ng amusement. May kislap na ng kapilyohan ang mga mata nito nang tumitig sa kanya.
Shit! Am I making a fool of myself?
"Ang sabi ko hindi mo sila kailangan. You have me. Hanggang nabubuhay ako, hindi ka mag-iisa. You can afford to lose your so-called family if they will not learn to value you as a person."
Awtomatikong nangilid ang mga luha ng dalaga. Nataranta si Ren. Umikot ito sa likuran ng desk at itinayosiya.
"I'm sorry for sounding harsh to your family. Pero gusto ko lang matutunan mong protektahan ang iyong sarili. Ayaw kong i-take advantage ka nila. That's all," bulong nito sa kanya habang hinahagud-hagod ang kanyang buhok.
"H-how s-sure a-am I na --- na hindi mo nga ako iiwan? A-ano'ng panghahawakan ko? Tsaka sino---sino lang ba naman ako kung ikompara do'n sa mga naging --- girlfriends mo?"
Napabuntong-hininga si Ren.
"Ayan ka na naman. You're fond of putting down yourself. Kaya nga naiinis ako sa pamilya mo, e. Itinanim nila diyan sa utak mo na walang magkakagusto sa iyo, ever! They'd been unfair to you," kalmadong sabi ni Ren. Napapailing-iling ito.
Sasagot pa sana si YZ pero tumunog ang intercom niya. Babalewalain niya lang sana iyon pero sumilip na naman ang assistant niya. Okay lang daw bang sagutin niya ang tawag ng isa sa kanilang kliyente sa Cebu?
Umatras si Ren at binigyan siya ng pagkakataong sumagot sa telepono. Pagka-hello natulig siya sa tungayaw ng nasa kabilang linya kung kaya nilayo niya agad sa tainga ang awditibo. Nagsalubong ang mga kilay ni Ren. Parang nagtatanong kung ano ang problema. Imbes na sagutin ito, tumalikod si YZ at lumayo nang kaunti.
"Mr. De Guzman? I'm so sorry to hear that. Opo. Don't worry po. We're working on it. Sige po. Pasensiya na po't understaff lang kami ngayon kung kaya---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin pa dahil binagsakan na siya ng telepono. Napapiksi siya sa gulat.
BINABASA MO ANG
My Supah Love (COMPLETED)
ChickLitHindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't tindig palang daw niya hindi naman siya makakakita ng disenteng trabaho. Sayang lang daw ang pang-matr...