CHAPTER TWENTY-FIVE

29.9K 898 26
                                    

A/N:  Ito na po ang last chapter. Ipo-post ko rito ang prologue nito bukas. Ang last part na ipo-post ko next week ay epilogue na. Salamat sa lahat ng sumuporta sa kuwento ng pag-ibig nila YZ at Ren, lalung-lalo na do'n sa walang sawang bumubuto at nag-ko-comment sa kada upload ko. Domo arigato gozaimasu!

**********

Sinadya ni YZ na magtagal sa banyo. Medyo natatakot kasi siya. Kahit wala siyang karanasan sa mga lalaki, hindi naman siya pinanganak kahapon kung kaya nabatid niyang may kahulugan ang mga malalagkit na tingin sa kanya ni Ren habang naghahapunan sila kanina sa Italiani's. Matagal na niyang pinapantasyahan ang lalaki pero ngayong abot-kamay na ang ligaya ay inaatake naman siya ng kaba. Ang pinag-aalala niya ngayon ay ang posibilidad na baka mawalan ito ng gana kapag nakita na siyang nakahubad.

Pinakatitigan niya ang katawan sa salamin. Tayung-tayo ang kanyang dibdib pero nakulangan siya sa umbok. Hindi kagaya ng sa mga ate niya. Malamang na hindi masiyahan dito si Ren. Nang bumaba ang kanyang paningin sa tiyan lalo siyang nadismaya. Oo nga't makinis iyon pero may kaunting umbok. Kung bakit kasi hindi na lang mag-exchange ang puson niya't dibdib. Ang isa'y nakulangan, habang ang isa nama'y nasobrahan. Hay buhay!

Tumalikod ang dalaga at napangiti. At leaast kahit paano ay may parte ng katawan niya na pumasa sa kanyang panlasa. Ang sabi nga ni Lota, ang puwet niya ang kanyang asset. Tumuwad siya nang kaunti at napasimangot. Shit! Ang itim ng singit ko! Baka pandirihan niya ako!

"YZ, are you okay? Ba't ang tagal mo?"

Nataranta si YZ nang marinig ang boses ni Ren. Nagkumahog siyang kumuha ng tuwalya sa istante na nasa itaas ng lababo at pinambalot sa katawan.

"Palabas na ako," sagot niya. May kaunting ngarag ang boses. Pambihira ka naman. Relax ka lang. Hindi ka naman kakatayin!

Hindi na niya narinig pa ang lalaki. Sa tingin niya'y bumalik na ito sa kama. Hinanap niya ang dalang pamalit. No'n niya napagtanto na hindi niya nabitbit papasok ng banyo ang hinandang pantulog. Shit! Pinatong niya iyon kanina sa ibabaw ng couch malapit sa TV. Kung nanonood si Ren ng palabas, siguradong nakita na nito ang mga isusuot niya. Marahil nabistahan din nito ang kanyang panties na pang-lola! Nag-init ang kanyang pisngi nang maalala iyon. Ganunpaman, kailangan na niyang kapalan ang mukha. Alangan namang buong magdamag siyang manatili sa loob ng banyo.

After gathering all her guts, she slowly opened the door. Sumilip muna siya. Nang makitang walang tao sa entertainment area, nabunutan siya ng tinik. Niluwagan niya ang bukas ng pintuan at tatakbuhin na sana ang kinaroroonan ng damit nang bigla na lang nagsalita si Ren sa gilid ng pinto. "What took you so long?"

Napatalon at napasigaw si YZ sa pagkagulat. Dahil doon nawalan siya ng panimbang. She fell on the floor at una pa ang puwet. Sa lakas ng pagbagsak niya'y natanggal ang pagkakabuhol ng tuwalya at bumukas ito sa gitna. Ang masaklap pa nakabukaka siya.

Nakita niyang napangiti muna si Ren bago siya dinaluhan. Para pagtakpan ang hiya, inangilan niya ito at tinabig pa ang kamay. Pero dahil sa matinding sakit ng balakang niya'y kinailangan din niya ito para bumangon.

"Are you all right?" nag-aalala nitong tanong nang makita siyang napangiwi habang itinatayo nito. Wala na ang kapilyuhan sa mga mata ng lalaki.

"Alrayten mong pagmumukha mo! Bwisit ka! Nanggugulat ka, alam mo namang magugulatin ako!" at napaiyak na si YZ nang tuluyan.Mas dahil iyon sa kahihiyan kaysa sakit na iniinda niya sa kanyang pang-upo at balakang.

Without saying another word, pinangko siya ni Ren papunta sa kama. Pagkahiga sa kanya roon, kumuha ito ng eucalyptus tea body cream.

"Saan ba ang masakit at mamasahihin ko," seryoso nitong sabi na ikinapula lalo ng mukha ni YZ. Tinulak ito ng babae at sinabihang iwan muna siya saglit.

My Supah Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon