Nakita ni YZ na medyo nanghina si Ren at parang magko-collapse na. Binulyawan niya ito.
"Huwag kang mahimatay diyan, tatadyakan talaga kita!"
"Misis, push harder," utos naman ng doktora. Nasa paanan na ito ng kama.
Umire uli si YZ. Ubod lakas. Pakiramdam niya naglitawan na ang buong litid sa kanyang leeg. Ganunpaman, hindi pa rin lumalabas ang beybi. Umire siya ulit. Binuhos na niya ang lahat ng makakaya. May naramdaman siyang lumabas pero walang umiyak. Napatingin siya kay Ren na ngayo'y biglang naging alerto. Nangunot ang noo nito, tapos napakusot ng ilong. Nang mapagtanto ni YZ ang nangyari umiwas siya agad ng tingin. Wala na siyang oras para intindihin pa ang hiya-hiya dahil pinaire ulit siya ng doktora. Malapit na raw. Sa huling ire niya may parang malaking bilog na lumabas sa kanyang pagkababae. Kasunod no'n napaotot siya at may lumabas din sa isa pang butas. Pinamulahan siya ng mukha. Ang doktora at mga nurses nama'y nagsigawan ng, "Yehey! Lumabas na rin si beybi!" Mukhang hindi nila alintana ang pangangamoy ng kuwarto.
Nang pinatong na ang bata sa dibdib niya, nakalimutan na niya ang lahat. Niyakap niya ito at biglang napaiyak. Napahawak si Ren sa kanila ng bata bago ito dumausdos na parang kandilang naupos. Sigawan uli ang mga nurses. This time para sumaklolo kay Ren.
**********
Katatapos lang magpadede ni YZ sa baby nila ni Ren nang dumating ang kinagisnan niyang mga magulang. May dala-dala silang basket ng prutas. Nang makita ang anak niya, basta na lang nilang binaba ito sa paanan ng kama at nakiusyuso na sa sanggol.
"Ay, ang cute-cute niya, Daddy!"
"Oo nga. Kamukha ko yata."
"Tumigil ka! Ambisyoso! Kita mo namang kasing puti ko ang beybi. Tsaka tingnan mo ang mga mata niya. Kasing laki ng akin. Kamukha ko siya talaga. Di ba, beybi? Kamukha mo ang grandma, di ba?" Kinuha nito agad ang bata kay YZ at pinaghele.
"Kumusta ka na, anak?" tanong naman ng daddy niya sa kanya. Naupo ito sa gilid ng kama at pinisil-pisil ang isa niyang palad.
"Okay naman po."
"Sabi ni Ren halos buong magdamag kang nag-labor."
"Opo, Dad. Sobrang hirap. Ang laki kasi ni beybi, e. Eight pounds and a half."
"Iyan ang sinasabi ko sa iyo. Kain ka kasi nang kain ng ice cream," sabat naman ng ina.
"E sulit naman, Mommy. Tingnan mo, kasing puti rin ng makapuno ice cream ang apo natin."
"Naku, kahit hindi naman paglihian ni YZ ang makapuno sigurado namang magiging maputi itong apo natin. Ang puti-puti kaya ng lola niya! Di ba, beybi? Manang-mana ka kay grandma, di ba? O, hala! Ngumiti siya sa akin, Daddy!"
"Baka pinagtawanan ka? Nawiwirduhan yata sa iyo ang apo mo. Akin na nga iyan."
Binigay naman ng ginang ang bata sa asawa. Pero nakatunghay pa rin ito sa sanggol. Napangiti naman si YZ sa dalawa. Lalo na nang marinig ang mommy niyang nagsabi ng, "Daddy, isasali ko na ito talaga sa search for Binibining Pilipinas. Pakiramdam ko siya na ang tutupad ng lahat ng mga pangarap ko."
"Huwag mo namang i-pressure agad ang bata. Tingnan mo, ngumiwi na. O, hayan. Umiyak tuloy." Tumayo ang ama-amahan ni YZ at pinaghele ang bata.
Makaraan ang ilang sandali, nagsidatingan naman ang mga kapatid niya. Nagsipagtakbo agad sa kanya ang mga pamangkin at yumakap. Pagkatapos ay nakiusyuso na rin sila sa bata.
"Tita YZ, ang soft-soft ng pisngi ni beybi. Parang cotton!" ang sabi sa kanya ng limang taong gulang na si EJ, panganay na anak ng Ate Caroline niya.
BINABASA MO ANG
My Supah Love (COMPLETED)
ChickLitHindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't tindig palang daw niya hindi naman siya makakakita ng disenteng trabaho. Sayang lang daw ang pang-matr...