Nagulat si YZ nang makita ang dating pagawaan nila ng sapatos. Sa laki ng building, nasiguro ng dalaga na kung ilang libo ang naging tauhan nila dati. Nakakapanghinayang at nagsara na lang nang gano'n-gano'n lang.
"Nasabi na ba sa iyo ni Ren na maraming may interes rito? Sa laki nitong building, malaking pera rin ito. Makakatulong sa pagbawas sa utang n'yo sa bangko sakaling maibenta."
Napalingon si YZ sa matandang abogado na nagdala sa kanya sa lokasyon. Dahil mukhang nalilito siya, inesplika nito ang mga ari-arian ng kanyang pamilya. Alin doon ang maari pang ipagbili at alin naman ang nailit na ng pinagkakautangan nilang bangko. Dahil hindi sanay sa ganoong usapin, nahilo siya.
"Dahil wala nang kakayahan ang lola mong gumawa ng desisyon at pumirma ng mga papeles, mula sa araw na ito sa iyo ko na iaasa lahat iyan. Gagawa tayo ng special power of attorney para legal kang makagawa ng mga bagay para sa pamilya mo."
Special power of attorney? Ano iyon?
Nahulaan marahil ng abogado ang laman ng kanyang isipan dahil pinaliwanag nito kung para sa ano ang dokumentong iyon. Gano'n pa man, medyo nawiwindang pa rin siya. Tama nga ang damuhong Ren. Hindi niya yata kaya ang mga ganitong bagay.
Ba't ka susuko agad? Iisipin ng mokong na iyon na fickle-minded ka. Madaling magbago ng isip. Tsaka, hindi ba't pinapaurong mo na ang kasal n'yo? Kaya wala siyang karapatang panghimasukan ang usapin tungkol sa naluging negosyo ng pamilya n'yo.
Napabuntong-hininga si YZ at nakinig nang mabuti sa abogado. Pero ang dami niyang hindi maintindihan. Ano naman iyong deed of sale? Ang capital gain tax? Ang appraisal value? Ang caveat? Kainis! Mas masahol pa sa boring lectures ng mga prof niya.
"Dahan-dahan lang po, Attorney. Alam n'yo namang wala akong kamuwang-muwang sa paghawak ng ganito ka laking property. Malay ko ba naman sa mga ganyan. Kaya kayo nandiyan, di po ba? Kailangan ko pa po bang intindihin ang mga iyan?"
Imbes na sumagot sa kanya, ngumiti ang butihing abogado at tumangu-tango. Inikot pa siya nito sa kabuuan ng gusali, bago sila umalis papunta raw sa dati nilang farm sa Batangas.
"Dati? Ang ibig n'yo pong sabihin, hindi na sa amin iyong farm? E, bakit pa po natin bibisitahin kung ganoon?"
"Actually, questionable ang pag-acquire ng mga Jardeleza sa lupaing iyon. Kaya gusto kitang isama ro'n para makita mo nang personal at ng sa gano'n ay---"
"Jardeleza?" putol niya sa sasabihin pa ng abogado. Bigla siyang kinabahan.
Pinaliwanag naman ng abogado na dating empleyado raw ng kompanya ang taong iyon. Pinagkatiwalaan ng kanyang lola sa mahabang panahon. Pero...
Namalayan na lang niya ang sariling napapakuyom ng mga palad. Magbabayad ang pamilyang iyon! Ang yabang-yabang! Puro nakaw naman pala ang yaman!
"Malaki ang lupaing iyon. Malawak ang taniman ng mga palay at mais pati na rin ang pastolan ng mga hayop. Mayroon din iyong ilang libong puno ng mangga at niyog. Kaya kung maisasauli sana sa inyo iyon, o di kaya mabili nang tama ang presyo ay malaking bagay para makaahon kayo sa pinagkakautangan ng pamilya."
"Babawiin ko ang lupaing iyon!" matigas niyang sabi sa abogado na ikinagulat nito.
**********
"Anak, mabuti't nandito ka na," abot-tengang ngiti na salubong sa kanya ng mommy niya. Kaharap nito Ang Ate Claire niya sa mesa at mukhang may maganda silang pinag-uusapan habang nagmemeryenda.
Pagkamano sa ina, sumalampak na siya sa tabi nito.
"Ang sabi ni Albert, imbes na magrenta pa ng lugar para sa prenuptial photo shoots n'yong mag-ate, why not do'n na lang daw sa farm nila sa Batangas?"
BINABASA MO ANG
My Supah Love (COMPLETED)
ChickLitHindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't tindig palang daw niya hindi naman siya makakakita ng disenteng trabaho. Sayang lang daw ang pang-matr...