Chapter (2)

493 28 1
                                    

Pagkatapos kong alalahanin ang nakaraan ko ay tumayo agad ako at sumilip sa kwarto niya pero wala siya kaya bumaba na ako para tignan siya sa kusina

" Oppa nagluluto kana ba? " tanong ko sa kanya pero di siya sumagot kaya sinilip ko siya at nakitang ubos na ang mga niluto niya at wala siyang tinira

Kahit minsan di ko pa natitikman yung luto niya, lagi niya kase sinasakto sa sarili niya at tanging ang Exo lang ang pinapatikim niya ng luto niya

Naalala ko tuloy noon nang nagsabi siya tungkol sa babaeng mamahalin niya na Hindi niya hahayaang magluto yung babae at ang gusto niya daw ay siya mismo nagluluto para don sa babae

Kaso sakin Hindi niya yon magawa kasi syempre ayaw niya sakin

Hindi nalang ako kakain kahit gutom na gutom na ko ginusto ko naman to bakit pa ko magrereklamo

Napansin kong wala na siya sa dining room siguro pumasok na yon sa kwarto niya at nanood na ng movie

Gawain niya kase yon kaya parang lagi nalang ako mag-isa dahil nasa kwarto lang siya, lalabas lang siya kung iinom o kakain siya

Pumunta ako sa taas at tumapat sa pintuan niya at sumilip kung natutulog siya o nanonood siya

Nakita Kong nakalapag sa tabi niya yung iPad niya at natutulog siya habang balot na balot ng kumot

Tama nga sila kahit anong gawin niya napaka-squishy niya tignan kahit simple siya kaya napangiti na lamang ako

Pumasok ako ng dahan dahan sa kwarto niya at tinignan ang mukha niya na kahit kailan di ko pa nahawakan

" Sinasamantala ko lang naman na lagi tayo magsama habang marami pa akong oras na maibibigay sayo " ngiti kong sinabi habang pinagmamasdan ko siya " at alam mo bang natanggap ako sa SM Entertainment at magiging trainee na ako " sobrang laki ng ngiti ko habang sinasabi yun. Unexpected naman lahat ang nangyayari saken pero sa lahat ng unexpected siya ang pinakagusto ko.

" Eto na ang mga pangarap ko Kyungsoo oppa unti unti nang natutupad pero isa lang talaga ang hindi ko makukuha " nanlumo kong sabi


" Ang pagmamahal na kahit hilingin ko pa sa diyos hinding hindi mo talaga ibibigay " ngumiti akong pilit kahit masakit talaga para sakin

Gumalaw siya kaya bigla na lang ako umalis at lumabas na at sinarado ang pinto

Magsasamyang nalang siguro ako para kahit papaano magkalaman naman kahit konti tong tyan ko.

Kumain nako at nanood nalang ng TV wala naman kase akong magagawa dito sa bahay dahil malinis na naman lahat at wala nang kailangan linisin hmmp. Nakakainis lang dahil kahit nanonood nako bored na bored pa rin ako

Tumingin ako sa pinto ng kwarto ni kyungsoo. Hmmp ano nanaman kayang pinagkakaabalahan niya mukhang aalis nanaman siya dahil narinig kong lumagabag ang cabinet niya

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon