Chapter (42)

150 10 4
                                    


Third Person

Mag-isa si kyungsoo sa kwarto nila ni yeona at wala siyang kamalay malay na wala na ang asawa niya. Masaya siya dahil alam niyang nasa tabi niya si yeona pero ngayong wala na si yeona hindi na niya magagawa pang mahanap si yeona dahil pinlano na ito ng kapatid ni taeyong. Hindi niya malaman laman kung sino talaga ang Kapatid ni taeyong na tinutukoy nila. Sino nga ba?



Natutulog pa din si Yeona at nakahiga ito sa malaki at malambot na kama habang nakatingin sa kanya ang Kapatid ni taeyong. Sumagi sa isip ng lalaki ang mga kaganapan noon na pinagplanuhan nila



Noong oras na kinidnap si yeona, ang lalaking nagpakita doon ay si taeyong. Oo tama, si taeyong ang sinisi pero isa lamang yong palabas para akalain ng lahat na si taeyong ang nagi-stalk at nagpakidnap kay yeona. Umiling iling ang lalaki dahil marami na siyang nagawang kasalanan kay yeona at di niya alam ang gagawin sa oras na magising ito.



" Matanggap mo pa kaya ako kapag nalaman mong ako ang may pakana lahat ng nangyayari sayo? " nasabi niya na lang habang tintitigan sa malayo si yeona



Tumayo na lang siya at lumabas magpapalamig nalang muna siguro siya dahil umiinit nanaman ang dugo niya dahil sa mga kagaguhang nagawa niya. Napalingon uli siya sa kama kung saan nakahiga si Yeona



" Ganito lang siguro talaga kapag nagmamahal ka "


----------

Kyungsoo



Naalimpungatan ako nang wala na akong mayakap sa tabi ko kaya napadilat ako at nagkusot kusot ng mata. Anong nangyari kagabi? Si yeona ba nagbuhat sakin papunta dito. Tumayo nalang ako at napangiti baka naman may surprise sakin ang asawa ko kase ang usap namin kahapon babawi siya sakin ngayon kase hindi ko siya pinayagang mag two piece eh kaya nagusap kami



" Hmmm? Nasaan na kaya si Mrs. Beautiful bakit parang nauna pa ata siya nagising sakin hmm? " ngingiti ngiti akong naglalakad papunta sa kusina pero wala siya. Hmm baka naman nasa c.r lang?



" Mukhang nagreready ata para sa surprise si Mrs. Beautiful ah? YA! Nasaan kana " ngingiti ngiti ako pero biglang nawala ang ngiti ko na walang tao sa buong kwarto ang asawa ko. Nasaan na siya

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon