Chapter (18)

432 27 2
                                    

At dahil mahal ko kayo hahabaan ko ang part na to!

------------------

Hinalikan niya ako. Totoo to diba? Bakit parang gusto ko pa. Aish! Nako ano ba tong nangyayari sakin hindi pwede to ipinangako ko na Hindi nako mahuhulog sa kanya at dahil sa kanya maaga ako nagkaasawa at maaga din ako nawalan ng dahil sa kaanuhan niya.. Hindi ko nga Alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kwago na yan eh! Pasalamat siya at gwapo siya kundi. Hay nako talaga

Fan na fan pa naman nila ako noon tapos nung nalaman ko ang mga ugali nila. Nako naburyong na ko ayoko na sige sa inyo nalang lahat ng Exo! (Pwera lang Kay kyungsoo!) Hindi ko na sila type. Bakit ba kase ako napunta sa sitwasyon na to. Masyadong nagmamadaling magdesisyon ang mga tao ngayon. Hindi ko na Alam ang gagawin ko.

Nandito pa tong kwagong kumag na to pinapanood ako habang umaacting. Sabi niya kase bago ko matutunan ang technique sa pagkanta eh magacting daw muna ako. Kase kinakailangan na daw magpalabas ng isang MV. At ako ang gagawin nilang partner nung Ewan ko kung sino yon ayaw nila sabihin eh.

" Hindi ganyan! Ganito kase dito ka nga at humarap ka sakin " nagulat ako ng biglang hinawakan niya ang magkabilang braso ko at hinarap niya ko sa kanya

" Dapat ganito mo siya titigan. Hindi yung parang nakakita ka lang ng isang lalaki at wala ka manlang kaemosyon emosyon diyan sa mga mata mo Bigyan mo nang kahulugan bawat titig mo damahin mo Kung ano ang sinabing role sayo " napatulala ako sa kanya ganito pala siya kaseryoso kapag nagtuturo siya

Hinawakan ko siya sa mukha at tinitigan ko siya sa mata. Nagulat siya sa ginawa ko kaya pinagpatuloy ko yun.

" Ganito ba? Yung tipong tinging mahal na mahal ko yung lalaking nasa harap ko? " napalunok siya at hindi siya mapakali sa mga ginagawa ko sa kanya

" Yung bawat titig ko na punong puno ng pagmamahal pero ng dahil sa manhid kang lalaki.. Binalewala mo ko at patuloy na sinasaktan. Ganon ba? " sinunod ko yung sinabi niya. Dinama ko ang role ko at bigla namang nanlulumo ang mukha niya

" Kung sino pa yung totoong nagmamahal, siya pa yung laging nasasaktan "

Umiwas siya ng tingin sakin kaya napangisi nalang ako. Wag mong sabihing natatamaan siya?

" At kung sino pa ang loyal, siya pa yung laging naiiwan"

Hindi kami nagkikibuan. Biglang tumahimik ang paligid at di na siya nagsalita. Kaya ako na ang nagsalita

" Ano? Okay naba. " napatango nalang siya at umupo ako sa gilid

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon