Pagkahalik sa akin ni kyungsoo ay lalo akong napahagulgol at niyakap yakap at inamoy amoy siya baka kase ito na ang huli at di na kami magkita pa kaya naman dinalas dalas ko na
" Yeona, papayag kaba kung itatanan kita? " napalaki ang mata ko sa sinabi niya itatanan niya? Ako?
" Huh? Pero----"
" Shhh Ako ang bahala sayo hinding hindi ka na niya makukuha sakin kaya wag ka nang magalala gagawa ako ng paraan Yeona basta wag ka lang umalis " sabi niya at hinatak niya ako at hinalikan sa noo. Natagpuan ko nalang ang sarili kong umooo sa mga sinabi niya at lumabas na kami ng kwarto at ginamit ang sasakyan niya at umalis na kami
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko habang nakangiting nakatingin sakin at napangiti nalang din ako. Hindi ko alam pero lahat ng mga problema namin ay bigla ko nalang nakalimutan lahat. Dadamahin ko na muna siguro ang pagkakataon na to para makasama siya. Ang makasama ng solo si kyungsoo
" Nagugutom kaba? Gusto mo bang magtake out tayo ng pagkain? " napatingin ako sa kanya at napatango tango naman ako ng bongga dahil syempre pagkain yun eh. Aayaw kapa ba kung inaaya kang kumain ng isang kyungsoo diba?
Bumaba kami at nagtake out kami ng mga pagkain at inilagay namin sa likod ng sasakyan pero syempre kinabit ko ang fries ko sa akin dahil hindi pwedeng hindi ko malantakan agad to. Ngingiti ngiti akong tumingin kay kyungsoo habang kumakain ng fries kaya naman sinubuan ko din siya
" Bakit kaya gustong gusto ng mga babae ang french fries? Mas masarap ba yan kesa sakin? " nabilaukan ata ako sa sinasabi niya. Aba! Bakit niya tinatanong sakin yan eh nung magasawa nga kami diko nga siya natikman tapos bigla niya akong tatanungin kung mas masarap ba ang fries kesa sa kanya Psh. Kyungsoo nga. Wag ako pwede ba? wag ako
" Psh. Hindi nga kita natikman noon tapos magtatatanong ka kung sinong mas masarap " bulong ko sa tabi at napasulyap naman ako sa kanya at nakatingin siya sakin at napaiwas naman ako.
" Anong sabi mo? Baket gusto mo ba kong matikman para malaman mo kung anong sagot hmm. " napaubo ako sa mga sinasabi niya jusko kyungsoo kung alam mo lang. Dati pa eh pero syempre papakipot pa ako. Mahirap na at baka magdirediretso ang story na to at biglang matapos kaya dadahan dahanin na muna natin.
" Ayoko nga may abs kaba? Pakita mo muna bago kita tikman ano " sabi ko at napairap sa kawalan. Hmm alam kong may abs ka kyungsoo tinatago mo lang kaya wag mo ko lokohin isang hawak ko lang dyan maboboom boom pow kana at malalaman na nila ang kasexyhan mo.
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
FanfictionDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...