Third PersonTumira sila Chanyeol sa pilipinas noong bata pa lamang siya kasama niya ang kanyang ina at ang kanyang nakatatandang kapatid na babae. Tumira sila doon dahil sa kanilang family problem dahil napag-alaman nilang ang ama nila ay kasal sa iba at matagal yong itinago ng ama nila sa kanila. Ang akala nila na kaya hindi pinapakasalan ng ama nila ang ina nila ay dahil wala itong pera o hirap kumita pero lahat pala iyon ay kabaliktaran sa mga nangyayari.
Ang ama nila ang may ari nang sikat na SM Entertainment sa buong South korea. Hindi nila alam na ang ama pala nila ang nagpapatakbo non at isa rin iyon sa mga di sinabi nang kanilang ama. Kaya noong nasa pilipinas sila nakilala ni Chanyeol si Yeona ang kauna unahang babaeng nagustuhan niya na mapahanggang ngayon ay gusto niya pa rin.
Ang bahay nila Chanyeol ay malapit lang sa bahay nila Yeona dahil may isang bahay lang ang nakapagitna sa kanila. Nagkakilala sila noong nadapa mismo sa harap ng bahay nila chanyeol si yeona dahil nung mga oras na iyon ay hinahabol ni yeona ang papa niya dahil nakalimutan niyang magpabili ng jollibee kaya nung makita siya ni chanyeol ng nakadapa ay bigla siyang pinuntahan nito at tinulungan.
" Papa wahhh *hik yung jollibee ko *hik " pagkatayo niya ay pinahid niya ang luha niya sabay tingin sa batang lalaking tumulong sa kanyang makatayo
" Gwaenchanayo? " tanong ng lalaki sa kanya at napakunot siya. Anong sabi? Parang korean eh. Lagi niya iyon naririnig sa pinapanood ng mama niya na puro korean novela
" Koreano kaba? " tanong nang babae sa lalaki at konti man ang naintindihan ng lalaki ay umoo siya sa babae at ngumiti. Kaya naman nagulat ang babae sa pagngiti ng lalaki dahil hindi mo akalaing sa likod ng maamo at magandang mukha ng lalaki ay nakakatakot na nakakatawa ito ngumiti pero iba ang impact nun sa batang babae nung nginitian siya nito.
Hindi alam ng babae pero nakita niya ang sarili niyang humahanga sa lalaking tumulong sa kanya. Habang dumadaan ang mga araw ay lalo siyang humahanga dito umabot ang mga linggo buwan at umabot na ng 2 taon ay magkaibigan pa rin sila hanggang sa dumating ang araw na kailangang umalis ni chanyeol dahil kinukuha siya ng kanyang ama
Nagsulat ng letter si chanyeol para kay yeona dahil alam niyang masasaktan ito kapag nalamang aalis siya at di na siya makakabalik pa kaya nang aalis na sila chanyeol ay nakipagkita siya kay yeona at ibinigay ang sulat at umalis nalang bigla.
Kaya nang paalis na ng pilipinas sila chanyeol pinangako niya sa sarili niya na kapag nagkita uli sila ni yeona hinding hindi na niya ito pakakawalan at pagbubutihin niya ang pagtetraining niya bilang isang kpop idol dahil alam niya na iyon din ang pangarap ni yeona at dahil anak din siya ni Lee soo man ay napadali iyon at naayon sa plano niya
Lumipas ang taon ay lumaki na sila at si chanyeol ay isang kpop idol na at ang kapatid niya namang babae ay newscaster at isa pa nilang kapatid na si taeyong ay trainee. Ang ina ni taeyong ang pinakasalan ni Lee soo man kaya pilit na itinatago nila ang sekreto nilang pamilya. Hindi alam ni chanyeol kung anong dahilan kung bakit pilit na itinatago ng ama niya ang tungkol sa kanila.
Dumating ang araw na biglang nakita ni chanyeol sa balita na ikakasal na ang kaibigan niya na wala nang iba kundi si Kyungsoo. Nakita niya ang babae na ikakasal kay kyungsoo at tila pamilyar yun sa kanya kaya nakipagkaibigan siya dito at nalaman niya na siya si yeona ang kababata niya noon. Nagplano siya para hindi matuloy ang kasal pero pinigilan siya ni taeyong kaya di na niya nagawa
Binlackmail ni Chanyeol si Lee soo man na ibubunyag ang katotohanan tungkol sa pagiging anak niya sa labas kaya pinapunta ni Lee soo man si kyungsoo para paghiwalayin si kyungsoo at yeona at sinabing magiging trainee si yeona sa lalong madaling panahon.
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
FanfictionDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...