Chapter (5)

470 25 1
                                    

Nagising ako nang maramdamang kumirot ang ulo  ko kaya napadilat ako at napahawak sa ulo ko at may benda yun kaya naman napakunot ang noo ko.

Nadulas nga pala ako kanina at naumpog ang ulo ko nawala na naman ang kirot pero ramdam ko nung pagkahawak ko na may bukol ako nang napatingin na lamang ako sa paligid

Teka? Kwarto to ni kyungsoo ah? Nako baka magalit siya sakin baka sabihin naman niya na pati higaan niya sisirain ko din nako kailangan ko nang umalis dito

Nang tatayo ako ay nawala ako sa balanse at kumalabog ako sa sahig, parang madadagdagan pa ata ang galos sa katawan ko at nainda ko ang tuhod ko dahil yun ang unang bumagsak

" Anong nangyari? Ano ba kaseng ginagawa mo " napatingin ako sa pumasok at inalalayan niya ko makatayo pero di ko pa din inaalis ang tingin ko sa kanya


Tama ba ang nakikita ko? Tinulungan niya ko tsaka bakit parang nagaalala siya? May paki naba siya sakin? teka! Sabi nga diba niya na wag magilusyon kaya erase erase!

" Gusto ko sanang umalis, baka kase magalit ka dahil nandito ako " sabi ko at napayuko na lamang ako ugh yoko ng ganito tinititigan niya ako


" Sandali, dadalhan kita ng pagkain di ka pa nakakakain " napatulala ako sa likod niya habang paalis siya at narinig ko ang yabag ng paa niya na pababa


Pagkain? Siya ba ang nagluto non sana siya nga kase gustong gusto ko nang matikman ang luto niya, Dapat pala lagi akong nadidisgrasya para matikman ko lagi luto niya


Kung hindi man niya ko matatanggap bilang asawa niya sana naman matanggap niya ko kahit man lang sa pagiging kaibigan niya


Kyungsoo

Tumawag ako ng doctor at diniktahan lang ako kung ano ang gagawin ko kay Yeona kaya binendahan ko lang ang ulo niya at siniguradong mabuti ang kalagayan niya


Habang binebendahan ko siya kanina ay napatigil ako sa mukha niya. Hindi ko maitatagong maganda talaga siya pero hindi ko makakalimutang siya ang dahilan kung bakit nawala ang kaisa isang taong minahal ko ng buong buo


Napahinto ako dahil naisip ko nanaman ang bagay na yon kaya lumabas nalang ako at magluluto dahil paniguradong magugutom siya paggising niya mamaya

Kahit naman galit ako sa kanya syempre may awa naman din ako sa kanya kaya ko to ginawa at wala nang kahit anong dahilan pa tong ginagawa ko dahil purong kaawaan lang ang tingin ko sakanya

Oo, nakakaawa siya dahil ipinipilit niya ang sarili niya sakin kahit wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya. Yan kase ang hirap sa mga babae siksik sila ng siksik sa taong hindi naman sila minamahal.

Oo na gago ako pero hindi niyo ko masisisi kung ganito ang nararamdaman ko hindi niyo maiiwas sakin yun dahil nasaktan ako at iniwan ako

Napatingin ako sa kwarto ko nang biglang may kumalabog kaya dali dali akong pumunta roon at tinignan kung ano ang nangyayari

Tinanong ko siya kung ano ang nangyari at sabi niya baka daw magalit ako sa kanya dahil nasa kwarto ko siya kaya naman iniba ko ang usapan at sinabing maghintay siya at kukunin ko na ng iniluto ko para sa kanya

Chicken soup lang ng niluto ko para naman mainitan ang sikmura niya at makaginhawa siya at ayoko din namang maakusahan dahil sinabing pinabayaan ko siya kaya naman ginawa ko to


Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon