Chapter (12)

373 24 0
                                    

SM ROOKIES! Sila ay mga trainee galing syempre sa SM ent. Magdedebut na sila ngayong taon at syempre Alam ko yon. Hindi pa nila sigurado kung ilan ang magdedebut pero ang Alam lang nila ay grupo ng lalaki ang magdedebut ngayon.

" SM Rookies? " gulat kong tanong sa kanila

" Diba trainee kayo sa Sm Entertainment? " napatango tango sila sakin

" Ako si Hyung ten, Hyung Taeyong ang paniguradong magdedebut ngayong taon! " oh? Edi tama pala ang source ko ng chismis napatingin naman ako kay ten at nakangiti siya sakin at pagdating naman kay taeyong di manlang niya ko binigyan ng kahit anong expression

" Sorry po ganyan talaga si Hyung masyadong nagpapacold ganyan po style niyan para mapansin siya " bulong naman ni mark sakin at nagtawanan naman sila jaehyun at si ten

" Mark! Uwi na tayo gustong gusto ko nang matulog dahil may practice pa tayo bukas diba? Diba? " sabi naman nung jaehyun ata yun at patago silang nagkukurutan sa likod

" Kung papayag siya " tinuro ako ni mark

" na sumama satin papayagan na tayo ni Ms. Lee na bumalik " sabi naman niya pero teka bakit naman ata hinahabol habol ako nila Ms. Lee ehh umoo na nga ako na pipirmahan ko yung kontrata eh sadyang nahuli lang ako

" Nako naman po. Please pumayag na kayong sumama samin gusto na naming matulog, kumain at magpahinga " pagmamakaawa naman ni jaehyun sakin at nagpuppy eyes pa with matching pouty lips pa.

" Hoy Jaehyun ano nanamang kaartihan yan katutulog mo lang kanina matutulog ka nanaman atsaka binigyan tayo ng baon ng pagkain at maghapon nga lang tayo nakaupo sa tapat ng bahay nila eh. " iritang sabi naman ni ten at kunot na kunot ang noo

" Ano ba ten! Umaarte lang ako para makauwi na tayo! Para pumayag na siya ano! Atsaka pag pumayag nga siya bibigyan tayo ni ms. Lee ng sandamakmak na grilled pork! Di mo ba alam yon GRILLED PORK!!!" bumulong pa si jaehyun eh rinig naman lahat ng sinabi niya

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon