Chapter (41)

209 14 5
                                    

Baekhyun

Pagkalabas namin sa kwarto ni kyungsoo nang palabasin niya kami ay dali dali kaming pumunta naman kay liit dahil hindi na namin siya nakikita nitong mga nakaraang araw

" Chanyeol, Sehun mamili muna nga kayo ng fruits para kay liit atsaka ng fries alam niyo naman na favorite niya yon diba? " napatango nalang ang dalawa at bigla nalang umalis. Parang naghahabol ng aso ah?

" Bakit ata masyado silang excited? Makatakbo wagas HAHAHA " sabi ko pero sinuntok lang nila ako sa braso. At pailing iling na iniwan ako aba mga bastos to ah

" Teka guys! Magreretouch pako wag niyo ko iwan! " sigaw ko kainis naman eh. Kinuha ko yung salamin at tinignan muna ang mukha ko nang makita ko likod ko si liit. Teka? Bakit andito si Liit?

Lumingon ako sa kanya. " LIIT! " sigaw ko sakanya at napalingon siya sakin kaya naman pinuntahan ko siya at hinarap naman niya ako.

" Umaano ka dito? Pupuntahan ka na sana namin nila suho kaso andito ka pala teka ha tatawagin ko lang sila " paalis na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay at nagulat ako dahil hindi ko alam pero nararamdaman kong hindi siya okay.

" Salamat baek sa lahat nang ginawa at mga gagawin mo pa para sakin pero baek may hihilingin sana ako sayo " kumunot ang noo ko anong meron? Omagaaaash ah. Kinakabahan ako

" Ano ba yun at bakit parang seryosong seryoso ka sa mga sinasabi mo " sabi ko pero nginitian niya lang ako ng mapait at hinawakan ang magkabila kong kamay

" Aalagaan mo siya para sakin baek h-ha? At sana wala ding makakaalam na nagpunta ako dito baek sana ikaw at ako lang ang nakakaalam nito. " naguguluhan man ako ay tumango tango lang ako sa mga sinasabi niya sakin. Liit ano bang problema at nagkakaganyan ka?

" Makakaasa ka Liit, pero bakit? Ano bang nangyayari liit may dapat ba akong malaman? O sabihin na nating may dapat ba kaming malaman? " nakatulala lang siya sakin pero bigla nalang siyang nagsalita

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon