Chapter (17)

349 24 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bubble tea Restaurant dahil snacks na daw namin kaya pumunta lang ako magisa dito. Nauuhaw na kase ako eh. Atsaka sabi kase ni sehun masarap daw ang bubble tea dito. Lalo na yung chocolate flavor

Dumating na ang inorder ko kaya umayos na ko ng upo at kumain na ako.. Hmm tama nga si Sehun oppa masarap nga ang bubble tea dito. Maganda pa ang pwesto kase malapit lang sa dorm namin tong restaurant na to



Napahinto ako ng biglang may umupo sa harap ko at inayos ang earphone niya at nilagay sa magkabilang tenga at isinaksak naman niya sa phone niya at tumingin sakin



" Ano? " hindi nalang ako naimik.. anong ginagawa ng taeyong nato at mukhang wala ata siya sa mood



Umorder na din siya nang pagkain niya at nagpatuloy naman siya sa pagpapatugtog sa phone niya



Natapos ko na rin namang kumain kaya akmang aalis na sana ako ng biglang hinawakan niya ang braso ko at tumingin Mariin sakin



" At aano ka? Pagtapos moko agawan ng pwesto aalis ka? Dito ka lang antayin mo ko. " napatulala nalang ako at pinaupo niya uli ako sa harap niya



" Teka! Ano namang gagawin ko dito? Tch, tapos na ko kumain atsaka may gagawin pa ko sa loob " sabi ko sa kanya pero umiling lang siya at sumandal sa upuan niya



" Aish, magpapractice pako okay? Ito naman parang nauna lang ako dito eh " sabi ko at tinitigan naman niya ko



" Basta dito ka lang antayin mo ko " hay nako naiinis na ko bahala siya diyan.

Tumayo ako bigla at tumakbo palabas lumingon naman ako uli at sumusunod siya sakin. AAAAISH. tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa bigla nalang ako nadulas kaya napabaldog ako

" Aish, aray ko naman " napatingin ako sa gas gas sa binti ko. *sigh nakakainis naman oh.


Bigla namang may humatak sa braso ko kaya napatayo ako at napaharap sa humatak sakin



" Uh. Aray naman eh! " nag-tch pa siya sakin at napatingin sa binti ko.



" Takbo ka uli ah? Yung matulin para pag nadulas ka mas malakas pa ang impact mo sa lupa " Aish, Tong lalaking to nakakainis na sarap tsinelasin yung napakagwapo niyang mukha




" Tch, Aalis na ko! Bahala ka sa buhay mo " bigla nalng ako tumalikod at pumasok na sa entertainment



Pakunwari pa cold si taeyong eh kung makautos kala mo may katulong, Palibhasa araw araw may regla. Tch, laging mainit ang ulo hay nako isama mo pa tong dating asawa ko na umaaligid sa tabi tabi tapos tong first mission pa namin na kailangan ko pang pagplanuhan ng isang linggo.




Nagiikot na ko at kaya pala Alam na nila kung saan ang mga pasikot sikot dito eh may mga sign pala sa bawat pader. Hay nako akala ko ba naman ang galing galing na ni taeyong eh naduyo lang pala ako. -_- di naman kase ako lagi nakakapansin ng mga ganun ano.




Nakarating nako sa sa dance studio at pumasok na din ako at nagulat ako nang iba ang itsura nang dance studio na to. Teka? Tama ba ko ng napasukan o Mali? Ang pagkakaalala ko 3rd floor nga daw at left-left-right-straight-left-right daw ang sundin ko at dito na ang sinabing pagpapraktisan namin. Eh mukhang wala naman katao tao




Tumingin ako sa paligid at parang natatandaan ko ata kung Saan to. Ang mga bintana ay nakadesenyo ng mga clouds at may mga black na sofa sa gilid at napakalaki ng dance studio na to. H'wag mong sabihing..



" Tch " napatingin ako sa pinto at nakita ko siya



" Bakit ngayon ka lang? Kanina pako dito at hinanap lang kita pero di kita nakita. Saan ka nagpunta huh?" Nag cross arms siya habang nakasandal sa pinto at Mariin na nakatingin sakin




" Nagpunta lang ako sa Restaurant malapit dito " sabi ko at tumaas naman ang kilay niya



" Oh? Talaga. Eh kamusta naman yung lalaking kasama mo sa Restaurant nagenjoy kaba? " napaurong ang dila ko sa sinabi niya. Pano niya yun nalaman? Wag mong sabihin kanina pa niya ko minamanmanan



" Tch, Siguraduhin mo lang na di ko kayo mahuhuli. Kapag nakita Kong hinawakan ka niya mapapatay ko talaga siya " Ano ba tong pinagsasabi nito!



" Baket? Pagmamay-ari mo ba ko para angkinin? " nagulat siya sa sinabi ko dahil nanlaki ng napakalaki yung mata niya




" Tch, Oo Pagmamay-ari kita at akin ka at kahit anong mangyari Alam ko sa sarili ko na sakin ka pa rin babagsak " bigla siyang pumunta sakin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi at... At... At... At... At...





Hinalikan niya ko.




" Kahit anong mangyari, hinding hindi na kita hahayaang makalapit sa iba dahil akin ka at ako lang ang pwede mong mahalin hindi pwede sila ako lang. " hinalikan uli niya ko



" Ako lang "

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon