Nakakunot lang akong nakatingin kay lay hyung hindi ko gusto ang mga sinasabi niya bakit niya ba sinasabi sakin ang mga bagay na yon? Hindi ako lalayo kay Yeona at bakit ko gagawin yon. Mahal ko siya at ipaglalaban ko siya" Lay hyung kung ano man ang sumapi sayo hinding hindi ko lalayuan ang asawa ko " sabi ko at diniinan ko pa ang pagkakasabi sa 'asawa' at bigla naman siyang napatawa at lalo akong naguguluhan sa mga ikinikilos niya. Ano bang nangyayari sa kanya
" Asawa? Dapat nga hindi mo yan pinantatawag kay Yeona dahil kahit kailan hindi naman kayo naging mag-asawa diba? " What!? Paanong. Ano bang problema niya!
Kinuwelyuhan ko siya at tinitigan ng masama at tanging pagtawa lang ang ibinagay niya sakin. Hindi ako makapaniwala paanong nasasabi niya yan m-may alam ba siya sa mga nangyayari samin ni yeona. Hindi hindi niya siguro alam kase kung alam niya lahat. Alam niya na-----
" Look, Lay hyung kung may nalalaman ka tungkol sa amin ni yeona itikom mo nalang yang bibig mo at tumahimik ka nalang. " sabi ko sa kanya ng mariin pero nginisian niya lang ako kaya lalo akong naginit sa galit
" Hindi na ako magpapakatago pa kyungsoo at hindi na ako magpapanggap. Soon, makikilala mo na talaga kung sino at ano ako sa buhay niyo ni yeona. Tandaan mo kyungsoo, walang sekretong hindi nabubunyag " bigla akong itinulak palayo sa kanya at umalis nalang sa kwarto. Okay lang naman malaman niya baka siya pa ang magulat kung sakaling malaman niya kung ano ba talaga ang ginawa ko sa relasyon namin ni yeona
Hindi ko man alam kung bakit nagkakaganyan si lay hyung kailangan ko pa ring mag-ingat dahil alam ko sa sarili ko na may mga mata na nakapaligid sa amin ni yeona kaya siya nagkakaroon ng impormasyon tungkol sa ayos namin ni yeona.
*tok *tok
Napalingon ako sa pinto ng kwarto at bigla nalang pumasok sila baekhyun,chen at si xiumin at isa isa silang naglagay ng mga pagkain sa tabi ng table ng kama ni yeona at napatingin sila sa akin
" Kyungsoo nasan sila sehun at sila chanyeol? Hindi paba nakakarating dito kanina pa sila umalis ah " sabi naman ni Chen at napakunot ang noo ko huh? Eh kung kanina pa sila umalis edi sana nandito na sila. Baka bumili ng prutas o kaya pagkain?
" Baka bumili ng pagkain o kaya prutas? " sabi ko at napa kibit balikat nalang sila. Nasagi nanaman sa isip ko ang mga nangyari kanina kasama si lay hyung. Tch kailangan ko talagang mag-ingat
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
FanfictionDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...