Hi! Hulaan niyo nga daw kung ilang taon na si author? 😱😂😂Kung sino ang makahula may special na bonggang bongga na dedication 😂😂😂
-----------
Hinalikan ako ni chanyeol! Hinalikan niya ko at ang masama pa don biglang pumasok ang mga members ng exo dito sa dressing room at nakatingin sila samin na nakanganga at nanlalaki ang mga mata. Napalibot ang mata ko at isang tao lang ang hinanap ko at yun. Nakatingin siya ng masama sakin. Samin ni chanyeol
" Guys Hindi ko alam na may something something kayo? " sabi ni baekhyun at napahiwalay ako ng bongga kay chanyeol. Ano bang pinaggagawa niya?
" Mali ang inaakala niyo wala kaming--- "
" Nako naman sana naman naghanap muna kayo ng hotel kung gagawin niyo yung bagay na yun diba? O kung gusto niyo live---- Aray! " binatukan si kai ni chen at napahawak sa batok niya " Ano ba sabi ko live tong sasayawin natin mamaya kaya bilisan na nila " napayuko nalang si kai pero ganon pa din ang init na tinginan at ramdam ko na nakatingin si kyungsoo sakin.
Matalim na tingin. Hindi ko kinaya kaya bigla nalang ako lumabas at nagpunta sa table namin na hingal na hingal. Ayoko na don kinilabutan ako sa tingin na kyungsoo parang mangangain na ng tao eh
" Unnie? Okay kalang para kang hinahabol ng aso ah. May nangyari ba? " tanong ni yeri sakin at napailing iling nalang ako at sinabing wala
Nagperform na ang exo at ang iba pang mga artist nang biglang magpapaalam na sa mga fans dahil patapos na ang awarding kaya nagsipuntahan na kami sa stage at nagtabi tabi para sa pagba-bow at naghawak hawak kami ng kamay
Nagulat ako ng biglang nakipagpalit ng pwesto si kyungsoo sa pwesto ni kai dahil si kai na dapat ang kahawak ko at yumuko na kami at napatingin siya sakin. Umiwas ako at bumitaw agad
" Kahit anong gawin mo Hindi matuturuan ang puso " pagkasabi niya non ay tumalikod na siya at humarap uli " Wala kang magagawa kung ako ang pipiliin niyan! " tinuro niya ang dibdib ko at napatakip naman ako. Ang bastos ah.
Kumunot naman ang noo niya at umalis na nang biglang may nagtext sakin.
From: Unknown Number
Alam kong ikaw to Yeona kaya di mo na ako maloloko. Lumayo kana kay kyungsoo Hindi ka niya kailangan dahil magkakaanak na kami Yeona lubayan mo na siya tigilan mo na kami huwag ka nang lalapit sa kanya. Para malaman mo kung sino to ako lang naman si minah at ako ang mapapangasawa uli ni kyungsoo.
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
FanfictionDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...