Chapter (46)

181 11 3
                                    


Yeona

Naglalakad ako nang walang kabuhay buhay habang nakasunod naman sa likod ko si sehun. Bakit ba kailangan kong maranasan ang ganitong buhay? Bakit kailangan kong maranasang mapaglaruan! Napailing na lamang ako sa nangyayari sakin. Kasalanan ko rin naman siguro to' dapat lang sigurong mangyari sakin to. Pero lord baket? Anong dahilan at bakit niyo ipinararanas sakin to?

Naisip ko nanaman kung ano ang nakita ko kanina doon sa loob ng bar. Napaiyak na lamang ako at bigla akong tumakbo. Para isang iglap na nawalan ako ng pandinig at tanging pagiyak ko lang ang naririnig ko hanggang sa nasilaw ako sa ilaw at napaharang ng kamay ko sa mata ko.

Nagulat nalang ako ng tawagin ako ni sehun at napalingon sa kanya. Papatakbo siya papunta sa direksyon ko ng maramdaman ko nalang na tumama ang ulo ko sa sasakyan.

" K-kyungsoo.. "sabay ng pagtulo ng luha ko ang pagkawalan ko ng malay.

Third Person

Napatulala si sehun habang nakatingin kay yeona na nakahandusay sa daan habang maraming dugo ang nakapalibot dito kaya pinuntahan niya ito at hinawakan sa mukha.


" FCK! Yeona! Gumising ka " tinatapik tapik ni sehun ang mukha ni yeona pero wala talaga kaya tumawag siya ng ambulansya at tinawagan niya ang kanyang mga hyung sa dorm nila.

Si Yeona ay agaw-buhay na ngayon at tanging pagdadasal lang at pagtitiwala sa mga doctor ang magagawa nila dahil konting pagkakamali lang ay maaring mawala na si yeona sa kanila. Sa kabila non ay Comatose ang lagay ni yeona ngayon dahil sa kadahilanan na naospital din siya noon dahil sa pagkabagok ng ulo niya kaya maaring makalimutan niya lahat ng memories niya pero may posibilidad pa rin naman na hindi iyon mangyari.

Dumaan ang mga araw, buwan, taon ay wala pa ring nangyari kaya nawalan na sila ng paniniwala na babalik si yeona kaya pinapunta nila ang mga magulang ni yeona at pinagpasiya kung papalayain na ba nila ang anak nila o hindi. Wala na rin ang mga napaghirapang pera ni yeona sa SM ent. Kaya wala na silang iba pang magagawa kung hindi ay tanggalin ang machine na nagpapabuhay kay yeona[(sorry nakalimutan ko kung anong tawag don a/n)]


" Chanyeol hyung kahit ano pang gawin at sabihin mo hinding hindi mo pa rin maitatago diyan sa sarili mo na ikaw ang dahilan kung bakit nagsimula tong sitwasyong ito! Kung hindi dahil sayo hindi magkakaganyan si yeona! Sana kase sinabi ko na sakanila noon pa. Akala ko kase hyung crush crush lang yang nararamdaman mo. Yun pala baliw kana pagsisihan mo sana yang mga ginawa mo " pagkausap ni sehun kay chanyeol na nakaupo habang nakahawak sa kamay ni yeona


" Ako nga lang ba talaga ang may kasalanan? Si kyungsoo ba nasaan? Hindi ba kung mahal mo ang isang tao kapag nangangailangan siya dapat nandon ka. Sige sehun sabihin mo sakin nasaan si kyungsoo! " hindi nakaimik si sehun dahil may punto si chanyeol. Matagal nang naka-comatose si yeona pero ni-anino ni kyungsoo ay hindi nila nakita sa kwartong yon.

Kinasusuklaman niya pa rin si yeona sa kabila ng mga nangyare sa kanya. Alam na din ni kyungsoo na ngayong araw na mismo tatanggalan ng machine pampabuhay si yeona pero hanggang ngayon ay wala pa din siya. Sumagi din sa isip ni sehun na bakit ganoon at di man lang nagpunta si kyungsoo para kamustahin man lang si yeona


Umalis nalang si sehun at iniwang mag-isa si chanyeol.


Chanyeol

Yeona sorry dahil sa mga nagawa ko sorry sa lahat ng mga katangahang nagawa ko sayo sorry dahil sa paglayo ko sayo kay kyungsoo ay nagkaganyan ka. Tama ka yeona kung mahal mo ang isang tao hahayaan mo siya sa kung anong gusto niya. Sana pala sinunod ko na yung mga sinabi mo sana pala hindi ako naging makasarili sana hindi ko nalang ginawa ang mga nagawa ko na sayo. Nagsisisi ako yeona nagsisisi ako.

*tok *tok

Pumasok ang doctor at ang mga nurse sa loob ng kwarto pinalabas nila kami. Napaiyak ako dahil mawawala na si yeona mawawala na siya samin. Nagsisiiyakan kami lahat dito nang bigla kong napansin na pasuraysuray na naglalakad si kyungsoo sa lugar namin.

Unang unang lumapit sakin si kyungsoo at bigla akong kinuwelyuhan.


" A-asaaan si-si Yeona! Ipakita niyo sakin ang asawa kk-ko! " ang kapal din naman pala ng mukha ng gagong to kung kelan mamamatay na si yeona doon lang nagpakita!


" Wala ka talagang kasing gago ano! " sinapak ko siya at sinuntok naman niya ako sa tyan sinipa ko siya kaya napahandusay siya sa sahig at bigla nalang umiyak na parang bata

" Kasalan ni yeona to! Kailangan niya pagbayaran lahat ng ginawa niya sakin! Kailangan niyang pagbayaran... K-kailangan niya. HAAAAAA! Bakit ba kailangan mangyari to lahat! Mamahalin niya pa ako magpaplano pa nga dapat kami ng matinong kasal pero wala, wala nang nangyari! " nang makita ko kung ano ang nangyayari kay kyungsoo ay nakonsensya ako. Nakonsensya ako sa lahat ng mga nagawa ko sa kanila.

Lumabas ang doctor at tumingin sa relo niya.

" Time of death 11:37 am---" hindi ko na narinig ang iba pang sinasabi ng doctor ng malaman kong wala na talaga siya. Wala na si yeona


" Ang anak kooo! Honey buhayin mo ang anak natin BUHAYIN MOOOO! " sigaw ng sigaw ang mama ni yeona at iyak lang ng iyak ang papa nito.


" Dadalhin na po namin ang pasyente sa **** room para ipa-cremate. Bukas po nasa  inyo na ang abo ng anak niyo. Maiwan na po namin kayo " lalong humagulgol ang mama at papa ni yeona at nagsisiluhaan naman sila baekhyun, lay, sehun, xiumin, chen, kai at si suho at kami naman ni kyungsoo ay humahagulgol na din.

" Wala na siya.. Wala na "


---------

Someone's POV

" Tutulungan kita hindi lang dahil naaawa ako sayo tutulungan kita dahil gusto ko. Hindi ka dapat humantong sa ganitong kalagayan mabuti na nga lamang ay nagkaligtas kayong dalawa. huwag kang mag-alala kami ang bahala sainyo at ituring mo kaming pamilya " nginitian ng lalaki ang babae at napatango tango na lamang ang babae

" Malalagpasan mo rin ang mga pagsubok na ito. Kung nawalan ka man ng pamilya, kaibigan at trabaho nandito kami para ibigay sayo lahat ng pangangailangan mo. Pumayag ka lang na maging **** sa ***** ko. Huwag kang mag-alala kami ang bahala sa mga ikinakabahala mo. " pagkasabi ng lalaki ay umalis na ito.

May mga bagay na kailangan isuko lalo na kung hindi mo na makakaya lahat ng ibinibigay na pagsubok sayo. Sumuko ka man maiiaahon mo rin uli ang sarili mo at muli kang lalaban para sa kagustuhan mo. Walang pagsubok na ibinibigay ang diyos na hindi mo kaya. Ibinigay niya yun sayo dahil alam niyang kaya mo at alam niyang malalagpasan mo.

Nasaan na ang tatawag ng kyungsoo-ah! Kay kyungsoo Nasaan na ang tatawag ng 'asawa ko!' sa kanya nasaan na ang taong laging nangungulit sa kanya nasaan na ang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal nasaan na ang asawa ni kyungsoo?

Wala na siya. Wala na.

----

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon