Chapter (8)

356 19 0
                                    

" Paano na to "

Ano nang gagawin ko, Alam na niya na tanggap na ako at pipirma nalang ako ng kontrata paano na ko magiging kpop idol nito? Anong gagawin ko?


Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ko at nakita ko siya, si kyungsoo na nakatingin sakin


" Maghanda ka nang gamit mo, aalis tayo " natulala ako sa kanya, aalis kami? Pero San kami pupunta


" B-Bakit? Aano tayo? San tayo pupunta " tumingin lang siya sakin


" H'wag nang maraming tanong Basta maghanda ka ng maraming damit, dalawang linggo tayong magbabakasyon " MAGBABAKASYON!? DALAWANG LINGGO!?


" Ah-Eh D-dalawang linggo? Diba may inooffer na movie sayo? Di mo ba tinanggap yon? " sinabi sakin ni chanyeol na siguro kaya wala si kyungsoo ay dahil pumunta yun sa nagooffer sa kanya ng movie kaya naman bigla siyang tumingin sakin


" Hindi ko tinanggap dahil pag tinaggap ko yon Baka mawalan nako ng oras at baka pirmahan mo pa ang kontrata " bigla nalang siyang umalis at nagpuntang kwarto niya


" Wala talaga siyang balak na payagan ako " panlulumo ko


Nagayos na lang ako at naglagay ng mga damit ko sa isang maleta at pinagkasya lahat ng gamit ko dun

" Tapos kana ba? Bumaba kana aalis na tayo " Teka Teka! Hindi ba siya nagmamadali? Gabing gabi na ah.


" Ano pang inaantay mo? Tara na " kinuha niya yung maleta ko at nauna na siyang bumaba


Ang weird. Dati-rati hinahayaan niya lang ako na magkandaugaga sa mga gamit ko noon pero ngayon.. Hay nako wala nalang akong iisipin mahirap na magilusyon dahil sa huli ako lang ang masasaktan.


" Hoy! Ano ba aalis na tayo kaya wag kanang tumunga tunganga diyan " hindi pala guni guni ko lang pala


Bumaba nako at nasa unahan ko siya, hay pati ba naman likod niya napakagwapo.. lahat na ata ng side ng katawan niya maganda


" Pinagnanasaan nanaman ako tara pumasok kana don " pinagnanasaan? Hindi ah.


Pinapasok na niya ko sa kotse at pumasok na din siya, pinaandar na rin niya ang kotse at umalis na kami. Sana naman maging maayos tong pagaalis namin sana walang mangyaring masama sana maging masaya ako


Napakatahimik lang sa loob ng kotse hindi ba pwedeng magpatugtog siya para hindi awkward sa loob? Nagsuot nalang ako ng earphone at nagpatugtog hanggang sa nakatulog nako

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon