Chapter (16)

321 23 4
                                    


Hindi ako makatingin sa kanya dahil Hindi na din ako nagiging komportable lalo na't hindi maganda ang huli naming pagkikita kaya hindi ko alam ang gagawin ko o sasabihin ko sa harap ng mga trainer.



Isa isa na kaming kumanta, sumayaw at umacting sa harap nila. At sobrang harsh nila sa mga trainees dito hindi ko nga din alam na ganyan katindi manghusga ang mga trainer kaya nung ako na ang susunod dahan dahan ako tumayo at pumunta sa harap nila



" Okay. Begin "



Nagsimula na Kong kumanta at biglang kumunot ang mga noo nila kaya lalo akong kinabahan at di ko na namalayan ang kinanta ko



" Sumayaw ka nga? Kahit ano " sabi naman nila sakin



Pinili ko sayawin yung Crazy ng 4minute at pinakita ko sa kanila.. Dahil sa bukod sa mga cover ko ito lang ang isa sa paborito ko.



Tumango tango sila at napatingin ako Kay kyungsoo at b-bakit parang.. Galit siya? Ano nanaman ba ang ginawa ko?



" Tama na yan. Mag-acting ka naman " sabi ni kyungsoo at tumingin sya uli sa hawak hawak niyang papel



Umarte ako na nakikipagaway sa boyfriend ko at umiyak iyak din ako at pagtapos non pinahinto na nila ako at nagcomment na sila




" Okay naman ang pagkanta mo.. Kaso kulang ka sa energy! At ang pagkanta mo lumalabas lang sa nguso at hindi mula sa puso at.. Nakukulangan kami sa tono. Dahil nawawala ka sa tono. Sa pagsayaw mo naman.. Dun kami natuwa dahil magaling kana. No need to practice just be yourself and last. Ang acting mo? Kulang din pero kaya mong umiyak at mukhang natural basta konting practice pa " matapos magsalita nung babae at biglang bumulong si kyungsoo sa kanya at biglang napatingin sakin ang babae



" Okay. At dahil kinukulang ka sa pagkanta at pag-arte. Si Mr. Do ang magtuturo sayo " nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. Nakatingin din siya sakin at nakangisi



" Pero---"



" NO BUTS okay?" Tumayo na agad sila at nagpaalam na pero naiwan naman si kyungsoo at nakatayo sa harap namin



" Trainees, labas na din kayo " sabi naman nya at mauuna na sana ako lumabas ng bigla uli siyang magsalita




" Pwera lang Kay Ms. Kim " napahinto ako at bumalik uli sa pwesto ko kanina




" Sa tingin mo ba.. Talagang pinapalaya na kita? " nagulat ako sa tanonh niya pero di ako umimik



" Sa dorm niyo na din ako titira, lilipat na uli ako doon dahil sino ba naman ang uuwi ng magisa sa isang bahay? " sabi niya pa uli



" Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya at napangisi nanaman siya




" Nandito ako para mahalin mo ako uli" sabi niya. Ano na naman ba to?! Pagtapos niya makipaghiwalay babalik siya sa buhay ko at sasabihing nandito siya para don?!



Lolokohin nanaman ba ko ng mokong na kwago na to? Aish, Ayoko na masyadong masakit yung mga nangyari sakin at di ko na uli uulitin yun paglalaruan lang ako ng kyungsoo na yan



" Tch, hindi na po mangyayari yun " sabi ko at bigla naman siyang lumapit kaya napaatras ako. Anong gagawin niya?



" Sigurado ka ba? Gusto mo bang iparamdam ko sayo na mahal din kita? "Lumalapit siya sakin at ako palayo naman ng palayo.. Mahal niya din ako? Imposible nilalason niya lang ata ang isip ko



" Kahit isang gabi palang na wala kana.. Para na Kong mababaliw " nagulat ako na wala nakong maatrasan at nasa pader na ko



" At bawat sayaw na pinakita mo kanina ay nagagalit ako dahil halos lahat ng lalaking trainees na nasa likod mo ngiting ngiti habang nakatingin sayo " ramdam ko na ang mga hininga niya at Amoy na Amoy ko ang pabango niya.. Malapit na malapit na ang mukha namin sa isa't isa kaya napapikit ako



Diba siya ang may ayaw sayo? Wag kang magpatalo diyan niloloko ka lang ng kwago na yan!



Naramdaman ko nalang na lumapit siya sa tenga ko at may binulong sakin kaya napadilat ako



" Tandaan mo. Akin ka lang at walang ibang lalaki ang pwedeng makalapit sayo. Ako lang " pagkasabi niya non at bigla siyang lumakad at pumunta sa harap ng pinto



" Mamaya sa dorm, sabay tayong kakain 11:30 dapat nandun kana at wag mokong paghihintayin.. Kung hindi.. Baka lumabas ka ng dorm na di na anghel " at bigla siyang tumalikod at lumabas habang ako at nakatulala at hindi makaimik




Hindi niya naman magagawa yun.. Diba? Ni halik nga hindi niya nagawa sakin noon. yun pa kaya?





Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon