Yeona" Hahahah! Nakakadiri ka talaga boy tae pagkakain mo lagi kang didiretso sa banyo. Ganyan ka ba talaga? HAHAHAHA " tawa kong sabi habang nakangusong nakatingin sakin si boy tae na kalalabas lang ng banyo
" Ehh atleast naman hindi ako natatae sa salawal! Mas okay nang matae lagi sa banyo wag lang sa salawal ko ano! Palibhasa kase kaya mo ako inaasar kase crush mo ko dahil napakagwapo ko " sabi niya at nag cross arms pa habang naka taas ang isang kilay niyang nakatingin sakin. Tsk matagal na naman akong may crush talaga sa kanya at ayokong umamin ano! Nakakahiya baka sabihin niya pa na di ako bagay sa kanya dahil isa akong pilipina at isa siyang koreano.
" Ang kapal ng mukha mo! Wag ka ngang feeling gwapo. Gwapong gwapo ka nanaman sa sarili mo! Oo na gwapo ka na nako nakakasawa na yang paulit ulit mong pagsabing gwapo ka." Sabi ko at paalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko.
" Hindi pa rin ako kuntento sa sinabi mo Yeonani. Gusto ko yung sincere gusto ko yung mata sa mata para malaman ko kung nagsasabi ka ng totoo. " napakurap kurap ako dahil seryoso siya big deal ba talaga sa kanya na masabihan ng gwapo? Hahaha oo inaamin kong gwapo naman talaga siya eh pero ang o.a lang talaga nitong si boy tae eh.
" Opo, gwapo ka po. Napakagwapo " pagkasabi ko nun ay nginitian ko siya. Yung pamatay kong ngiti yung gayang gaya ang ngiti niya.
" Hmmp. Ganyan ba talaga ngiti ko? Eh bakit pag ikaw ang gumaya ang ganda ganda mo? " namula ako sa sinabi niya kaya napaiwas ako ng tingin. Jusko Yeona 13 yrs old ka palang kaya wag kang gumanyan.
" Hindi ka na makakatakas sakin Yeonani. Akin ka na
Akin. "
Napatayo ako sa hinihigaan ako at napahawak sa ulo ko ano bang napapanaginapan ko sino ba yung batang yon? Atsaka bakit sa huli bakit.. Inaangkin niya ako? Sino ba siya bakit diko makita ang mukha niya! Baket sa tuwing naghahanap ako ng sagot sa lahat ng mga nangyayari sakin mas lalo pang palabo ng palabo.
" Finally! Gising ka na din " kinilabutan ako dahil biglang may nagsalita at diko siya makita dahil ngayon ko lang napansin na medyo madilim na at tanging ilaw lang sa tabi ko ang liwanag sa kwarto. Napatingin tingin ako sa paligid pero wala talaga akong makita hindi ko talaga maaninag kung nasaan yung tumawag sakin
Tumayo ako para hanapin ang switch ng ilaw nang biglang may yumakap sakin kaya natuod ako sa kinatatayuan ko dahil palagay ko matangkad ang lalaking nakayakap sakin dahil ramdam kong nasa dibdib niya ang ulo ko. Omaygad Yeona kumalma ka please kumalma ka wag na wag kang sisigaw o gagawa ng katangahan
" S-sino to " naglakas ako ng loob na itanong sa lalaking nakayakap sakin
" Ako to Yeonani di mo ba ako naaalala? Kahit na magkasama tayo sa pang araw araw Yeona di mo pa rin ba ako kilala? Hindi mo ba ako namumukhaan." naguguluhan ako! Magkasama kami sa pang araw araw? Eh paanong magkasama eh exo lang at Rv members lang ang lagi kong kasama. Atsaka namumukhaan? Duh diko nga siya nakikita pano ko siya mamumukhaan.
" Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Aalis na ako baka hinahanap na ako ni kyung----"
" Hindi. Hindi ka aalis dito Yeona. Dito ka lang sa akin. " hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako dahil ang higpit higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
" B-bitawan mo ako! Hindi kita kilala kaya pwede ba tigil tigilan mo na ako " sigaw ko kaya nagulat nalang ako ng bitawan niya ang kamay ko at dali dali kong hinanap kung nasaan ang pinto . At nang makapa ko ay pilit kong binubuksan pero ayaw mabukas kaya hinanap ko ang switch ng ilaw at nang pagbukas ko ay nagulat ako nang may nakita akong nakadikit na picture ko sa gilid ng pinto.
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
FanfictionDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...