Maguupdate dapat ako kapag naka1k reads to kaso antagal eh atsaka ngayon ko lang napansin na umabot na siya. Kaya eto na maguud na ko para po to sa mga nagmamahal sa story na to.Kung meron man. Haha
-----------
Dumating na din sila Chanyeol oppa galing sa concert. ako pa nga ang pinapunta nila sa airport para daw maganda daw ang sasalubong sa kanila. Tch. Baket ayaw nila sa manager nila? Ako pa tuloy yung nagkakandaugaga sa pagsundo sa kanila sa airport at mismong araw din na yon gaganapin ang 2nd mission ko sa SM ent. Haaaay.
Nakita ko uli siya. Akala ko nga yayakapin niya ko ng bonggang bongga dahil sa namiss niya ko pero bigla nalang siyang dumaan sa harap ko at di man lang ako tinapunan kahit isang tingin. Akala ko pa naman.. hay nako ayoko na talaga sige pumunta na siya doon sa movie nila nung minah na yon wag na siyang babalik dahil wala na siyang babalikan!
Baket? Babalikan ka ba niya.
Hindi. Sabi ko nga eh.
Tch kung di niya ko papansinin hindi ko din siya papansinin! Aba siya na nga yung nangiwan siya pa yung hindi mamamansin. Hmp! Makapunta na nga sa van at pupuwesto ako sa unahan para hindi ko siya makita
Nauna na kong naglakad at di ko nalang pinansin ang pagtawag nila sakin. Mamaya na muna nila ako kasatin! Magiinarte muna ako dahil nakakairita si kyungsoo
Pagkadating ko sa van ay pumasok na ko sa unahan at umupo. Nakakainis talaga sana kase hindi nalang ako nagsundo sa kanila eh makikita ko pa tuloy yung kwagong penguin nayon.
Bumukas na ang pinto sa likod at nagsipasukan na sila at diko nakitang pumasok si kyungsoo. Teka? Nasaan na ang kwagong yon! Tch malelate pako sa mission ko eh. Pagagalitan nanaman ako ng mga trainers pag nagkataon!
" Asus. Liit papunta na yun dito may pinabili lang kami Kay kyungsoo kaya wag kang magalala. Baka humiwalay na yung kilay mo kakakunot diyan sa noo mo" sabi ni chanyeol aba! Wala naman akong sinasabing hinahanap ko yun ah!
" Alam mo keun gwi papansin ka. Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa lalaking yun ah? Tch " sabay irap ko sa kanya at tumawa lang sila
" Baket liit? Wala kana bang timatagong pagmamahal Kay kyungsoo hyung " tanong naman sakin ni sehun at nakangiting asong tataas taas pa ang kilay na nakatingin sakin.
" Hay nako!? Tigil tigilan niyo na nga yang kalokohan niyo dahil hinding hindi na maibabalik ang dati lalo na pag nasira na! Kapag ba ang papel sira sira na? Magagamit niyo paba!? " sigaw ko sa kanila at nakatulala lang silang nakatingin sa direksyon ko--- hindi sa pinto pala ng van sa tabi ko Kaya napalingon ako
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
FanfictionDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...