Anong pangarap niyo sa buhay?Ako.. Sa totoo lang gusto ko talaga maging kpop idol. HAHAH pero diba nga wala pang Filipino na naging kpop idol sa Korea 😭😭 pero hindi pa din ako susuko!
-----------
Kyungsoo
" K-Kyungsoo? " napalingon ako sa tumawag sakin at nanlaki ang mata ko at napatayo. Ano ang ginagawa niya dito? Napatingin naman ako kay Liit na nakahiga sa kama
" Anong ginagawa mo dito? Umalis kana baka magising pa si Yeona " taboy ko sa kanya pero hinawakan niya lang ang kamay ko at niyakap ako kaya naman nagulat ako. Napatingin uli ako kay liit. Baka magising siya
" ANO BA! CHOI! Tigilan mo na ako pwede ba? " bulong ko sa kanya ng madiin at itinulak siya palayo
" I'm begging you please. " lumuhod na siya sa harapan ko kaya naman nagulat ako ano bang ginagawa ng babaeng to dito. Bakit pa siya nanggugulo?
Bigla namang may pumasok na babae at biglang hinatak si choi palayo sakin.
" Ano bang ginagawa mo Unnie? Napagusapan na natin to diba! " sigaw niya kay choi at nagaway sila ng nagaway kaya umawat ako
" TAMA NA! TEKA NASA---"
" Anong nangyayari? " napahinto kaming tatlo at napalingon kay liit na nagkukusot ng mata habang nakatingin samin.
Lalapitan ko na sana siya ng biglang lumuhod sa harapan ni liit si choi at hawak hawak ang kamay niya kaya naman nanlaki ang mata niya
" U-Unnie choi? Anong--" kilala niya si choi? Kilala ni liit si choi pero paano?
" Yeona! Please magparaya kana ibigay mo nalang sakin si kyungsoo! " pagkasabi niya non ay napatingin siya sa gawi ko na nagtatanong kung bakit at napaiwas ako ng tingin. Hindi ko Alam ang gagawin ko
" Anong magparaya Unnie? Ano bang sinasabi mo " hindi na maganda ang Tono ng pananalita ni liit kaya umaabang na ako.
" Yeona! Nauna siyang naging akin kaya utang na loob ibalik mo na siya sakin. Hindi ko kayang mawala siya please yeona. Desperada na ako " biglang tumahimik ang paligid at inantay ko ang pagsasalita ni liit
Nakatitig lang siya kay choi na umiiyak at wala siya ibinigay na kahit anong expression. Hindi ko Alam ang iniisip niya ng biglang
*PAK
" Ikaw ba ang nagsend ng picture ni minah at ni kyungsoo at mismong nagsabi na maghanap ako ng ibang lalaki? Ikaw ba yung kahalikan ni kyungsoo sa park noon? At ikaw din ba ang nanlaglag sakanya pagtapos ng lahat ng yon!! " sigaw niya na ikinagulat ko. Alam niya ba ang tungkol sa park na yon? Narinig niya ba lahat ng sinabi ko noon?
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
FanfictionDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...