Chapter (38)

197 16 2
                                    


" Lay Oppa " napangiti akong nakatingin sa kanya at niyakap siya. Waaaah kung hindi dahil sa kanya baka ngayon wala na ang kinaiingat ingatan kong treasure. Wooo. Salamat talaga sa kanya at nahinto na ang kabaliwan na lalaking gunggong na yon. Nagbago nanaman ang mood ko at napakunot ang noo. Hindi talaga ako makapaniwalang magagawa niya sa akin yun

" Oh. Naiisip mo nanaman ang nangyari kahapon h'wag mo na isipin yon magpahinga ka nalang at wag ka magpakastress okay? " napatango ako pero hindi ko pa rin maiwasang magtanong sa kanya na.. Kung paano niya ako natagpuan don at panong alam niyang siya yung nagpakidnap sakin nun.

" Paano mo ko nahanap Oppa? " bigla kong tanong sa kanya at napatitig naman siya sakin na nagiisip kung sasabihin niya ba o hindi.

" Basta liit, kahit anong itanong ng exo sayo tungkol sa kanya wag na wag mong sasabihin kung sino talaga siya " nagtaka ako kay lay oppa? Bakit diko sasabihin eh rerapin na ko ng damuhong gunggong na yon! Kailangan ko ng katarungan ano atsaka anlayo layo naman ata ng tanong ko sa sagot niya

" ANO!? di naman ata ako makakapayag niyan oppa hindi mo ba nakita lay oppa? Gagahasain na niya ko kahapon! Syempre kailangan kong sabihin kung sino talaga ang damuhong gunggong na lalaking yon " sabi ko pero nakaseryoso lang siya kaya naman huminahon ako at tumingin sa kanya

" Oppa ano ba talagang nangyayari hindi ko maintindihan eh " sabi ko sa kanya at tintigan niya lang ako sa mata

" Kapag sinabi mo kung sino talaga siya baka may mangyaring hindi maganda kay kyungsoo-ah. Liit, matagal ko nang alam na minamanmanan ka niya at nakita niya ako at nalaman ko ang mga plano niya tungkol sa gagawin niya sa inyo kaya binlackmail niya ako, kung di ko mapapalayo si kyungsoo mula sayo baka hindi na niya patagalin at patayin na niya si kyungsoo. Kanina nakausap ko siya ang sabi niya bibigyan niya ng pagkakataon si kyungsoo pero kapag sinabi mo daw sa pulis at sa ibang member ng exo na siya yung nangkidnap sayo hindi mo daw magugustuhan ang mangyayari sa asawa mo " napatulala lang ako sa mga sinabi niya hindi ko lubos maipasok sa utak ko lahat ng mga pinagsasasabi ni lay oppa. hindi ko alam kung anong dahilan ng mga ginagawa niya pero yun ang kailangan kong gawin. Kailangan kong malaman kung anong dahilan at bakit niya to ginagawa sa amin at ano bang kailangan niya sakin

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon