YeonaI'm bored. Nandito lang ako parati sa kwartong ito at kain tulog nalang lagi ang ginagawa ko ni pati panonood man lang nang Tv ay hindi nila ako pinapayagan maging ang cellphone ko ay di ko mahawakan. Paanong hindi talaga ako mabobored? Pumunta ako sa harap nang salamin at tinignan ang sarili ko.
Napangiti ako nang mapait habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Wala pa rin pala akong ipinagkaiba sa babaeng nanakit sa damdamin ni kyungsoo pinili ko pa rin na masaktan siya at heto ako sumama sa iba. Nagpakatanga nanaman ako dahil naniwala ako kay Taeyong na tutulungan niya ako, na akala ko itatakas niya ako mula kay chanyeol at makakabalik na kay kyungsoo pero mali lahat nang inaasahan ko. Nalaman ni chanyeol yun at heto ang parusa ko ngayon.
Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa career ko gayong nandito ako sa liblib na bahay at di nakakalabas. Nagpaplano na ako na aalis ako ngayong gabi saulado ko na ang bawat parte ng bahay na to .
Antagal ko nang nagtitiis wala akong ibang ginagawa dito dahil parati rin namang wala si chanyeol at taeyong dito para lang akong isang alagang aso na ikinukulong at iniiwan. Feeling ko wala na ang mga pangarap ko wala na ang gusto ko, pamilya ko, mga kaibigan ko, at lalo na si kyungsoo. Siguro ngayon kinasusuklaman na niya ako dahil sa mga sinabi ko sakanya. Nagsisisi akong pumayag ako sa gusto ni chanyeol pero anong magagawa ko? Mahal ko ang pamilya ko at ayokong may madamay sa kahit sinong parte ng pamilya ko.
*tok *tok
Napatingin ako sa pinto at bumungad sa akin si chanyeol at mukhang nakainom siya at pagewang gewang na naglakad papunta sa akin kaya inalalayan ko siya at naibagsak ko siya sa kama. Pasuray suray siyang nakatingin sakin at napangiti ng mapakla
" Your man is unbelievable Yeona. I'm impressed! " natatawa siya habang pilit na tumatayo at hinarap ako.
" Tell me Yeona! Talaga bang kasal kayo ni kyungsoo?! I thought you signed the papers then why is that? Huh. TELL ME!! " nagulat ako sa pagsigaw niya sa akin. Kami? Kasal pa ni kyungsoo? That's impossible.
" Ano bang pinagsasasabi mo! Diba pinalayo mo na ako kay kyungsoo? Sirang sira na ako kay kyungsoo kaya ano pang dahilan mo para maginarte ka nang ganyan ha! Atsaka tell you ha? Osige, hindi kami kasal at yun ang ALAM KO! Ayoko na please lang chanyeol oppa palabasin mo na ako dito hindi ako aso para ikulong mo ako dito sa bahay mo! Nagmamakaawa ako sayo " napaluhod na ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay. Kakainin ko nalang ang pinakatatago kong pride para lang makalabas na ako dito.
" Y-yeona what are you--- "
" keun gwi, please palayain mo na ako kung mahal mo talaga ang isang tao ibibigay mo sa kanya ang lahat ng gusto niya para maging masaya lang siya pero ano to keun gwi? Ikinukulong mo ako at sa halip na maging masaya ako ay galit ang namuo dito sa dibdib ko! Look at me chanyeol, eto pa rin ba ang kilala mong yeona? Sa araw araw na namalagi ako dito oppa hindi ko na nakilala ang sarili ko! "napaiyak siya habang nagsasalita.
" Paano ako yeona? Paano na ako kung palalayain kita at mapupunta ka sa iba!" Sigaw niya sakin at umakyat ang dugo ko sa sinabi niya
" DONT BE SELFISH CHANYEOL! Pare pareho lang tayong nagmamahal pero sana naman matanggap mo sa sarili mo na hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay lagi kang masusuklian ng ibinibigay mong pagmamahal! You deserve more than that chanyeol may darating sa buhay mo na magpaparamdam sayo kung ano ang tunay na pagmamahal at hindi ako yun. " sabi ko sa kanya kaya napatigil siya at napayuko at humagulgol sa harap ko. Kahit na may atraso siya sakin di ko pa rin maiwasang mag-alala para sa lalaking kaharap ko ngayon.
" Minsan, mas maganda nang umiyak nang umiyak kapag nasasaktan nailalabas mo ang mga sama ng loob mo at gagaan ang pakiramdam mo. You don't need to be like this chanyeol kailangan mong harapin kung ano ang totoo " pagkasabi ko non ay dali dali nalang akong lumabas ng kwarto at hinayaan na niya ako kaya walang pakundangang lumabas ako ng bahay na yun.
Wala na akong ibang iniisip kundi ang puntahan kung nasaan si kyungsoo.
" Kyungsoo magkikita na uli tayo. " ngiti kong sabi.
-------
Kyungsoo
" Hyung tama na umuwi na tayo galit na galit na sa akin sila suho hyung at kailnga na daw kitang iuwi. Halika na " pilit sakin ni sehun. Tsk ayokong makita nilang ganito ako! Kaya ayoko hindi pa ako aalis dito.
" Ayoko kung gusto mo ikaw na lang mag-isa mo tutal pare pareho lang naman lagi ang mga nangyayari sakin may darating pero iiwan ka lang din ulit. Ano ba kaseng purpose ng mga letseng yan at dumadating pa sila sa buhay naten! " sigaw ko sabay tungga ng iniinom ko.
" Kyungsoo hyung binibiro lang kita kanina na magbar tayo pero diko naman akalain na tototohanin mo! Atsaka hyung wala akong money? I mean TAYO pala dahil hindi naman ako nakahingi ng luho kay Suho hyung kaya sabihin mo nga sakin kung sino ang magbabayad niyang nilalaklak mong beer. " sabi niya sakin at tila biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. ANO!?
" Hey! " napalingon ako sa taong nangalabit sakin.
Isang babaeng maputi, singkit na singkit na mata, at mapupulang labi ang nakaharap niya hindi niya maitatangging nagandahan siya sa babae pero ginising niya ang sarili niya.
' May Yeona kana Kyungsoo. '
' Pero teka? Tsk. Diba sabi niya sayo? Ayaw na niya at may iba na siya kaya anong sinasabi mong may yeona kana? Kung siya meron nang iba syempre ikaw din dapat diba? '
" Oh. Hey " sumagot ako sa babaeng kaharap ko at napangiti siya sakin at hinawakan ang hita ko sabay lapit sa tenga ko at may ibinulong
" Are you free tonight? Your place or.. mine? " sabay tawa niya at hampas sa braso ko. She's flirting with me. Right?
" Hyung ano ba! Aalis na ako sige ka " pagmamaktol ni sehun
" Ano ba! Kung guasto mong umalis sige lumayas ka! Wala akong pakialam " dahil sa inis ko ay nasigawan ko siya at tila ba bigla aho agad nakonsensya at magsosorry sana nang hinatak ako ng babaeng kausap ko lang kanina at bigla niya akong hinalikan.
" K-Kyungsoo. " napahiwalay ako ng marinig ko ang boses na yun at bigla akong natuod ng makitang dilat na dilat ang mata niyang nakatingin samin habang nakatakip ang mga kamay niya sa bibig niya. Katabi niya si sehun at nakatingin silang dalawa sa amin nung babae
" Let's go. Baka makapanood pa tayo ng live porn dito at mabahiran itong virgin eyes ko " sabi ni sehun at bigla silang umalis. Hindi ako nakagalaw hindi pa makapasok sa isipan ko ang nangyare.
Papanong nandito si yeona? Bakit pa?
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
FanfictionDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...