Chapter (14)

377 23 0
                                    

Ang bilis nang mga pangyayari. Hindi ko akalain na magiging trainee na ko ng SM. Ehhh dati rati pinapangarap ko lang na maging trainee tapos ngayon eto na ko. Nandito na talaga ako

Pagkadating namin kanina nagsikaripas ng takbo yung tatlo at naiwang si taeyong habang nakapamulsa sa bulsa ng pantalon niya at tumingin ako Kay chanyeol

" Ibibigay ko na to ah? Si taeyong na ang bahala sayo at siya na ang bahala magturo kung saan ang kwarto mo" sabi sakin ni chanyeol at ngumiti ng konti kaya bumagay naman sa kanya ang ngiti niya. Internes nagiimprove na young pagngiti ngiti niya ah. Di na siya mukhang nakakatakot tignan.

Napatango tango nalang ako at tumingin uli Kay taeyong. Nauna na agad siyang naglakad kaya sinundan ko nalang siya at sinabayan siya sa paglalakad niya

" Ah. Psst! Uy taeyong name mo diba? " tanong ko pero di pa rin ako sinagot. Aish anong problema nito at ayaw laging magsalita.

" HUY! Tinatawag lang kita " hinawakan ko siya sa braso at nagulat ako nang bigla nalang siyang humarap sakin

" Huwag mo kong hawakan " nagulat ako. Napakasungit naman pala nito. Tch tama nga si ten Parang laging nireregla tong si taeyong

" O-okay" napatahimik nalang ako at sinundan nalang siya Tch.baka singhalan nanaman niya ako.

Napunta kami sa isang pinto. Pero teka bakit kami nandito? Akala ko ba sa magiging kwarto ko ako pupunta eh bakit nandito ako sa kwarto nila

" T-Taeyong? Diba.. Naintindihan mo naman yung sinabi ni chanyeol no? Eh bakit nandito tayo sa----" nagulat ako nang biglang lumabas ang walong lalaki at ngumiti sa akin no no no. Hindi to pwede baka sugurin ako ng mga sasaeng fans pag nalaman nila to

" Huwag niyong sabihing dito ako titira? " tanong ko sa kanilang lahat at lumapad lalo ang ngiti nila

" Tama ka Liit, dito ka samin titira! YEHEEET diba? " sabi naman ni sehun at nakipag apir naman sa mga hyung niya. HINDI PWEDE ITU

" Huwag kang magaalala liit hinding hindi tayo mauubusan ng pagkain dito " sabi naman ni Xiumin habang may dala dalang tinapay at kape.

" At marami ding mga junkfoods at snacks dito! " sabat naman ni Chen habang nakikikain kay xiumin

" Marami ding mga libro dito at pwedeng pwede mo basahin ang kahit ano don! " sabi naman ni Suho at masayang masaya na sinalubong ako

" At higit sa lahat!!! Malapit lang dito ang bilihan ng bubble tea YEHEET diba? " sabi naman uli ni sehun kaya naman napatawa ako. Hanggang kelan ba siya Hindi magsasawa sa bubble tea.

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon