Ayiiiie. Kinilig ako dun sa nagcomment kahit na single word lang yung nilagay niya masayang masaya nako don. Hehehe kaya yan maga-update agad ako kahit dipa nakaka60+ reads yung chapter 20 so.. Eto naaaa
--------------
Nako. Wala naman kase silang sinasabi na merong scene na ganon tapos magkakandaugaga pa ko kung magagawa ko ba Kay taeyong yun paano kung.. Aish ayoko na ngang isipin baka lalo pa kong..
" Oh. Yung nguso mo napakahaba na, hahaha ano ba kaseng problema mo sa scene na yon eh simpleng---" tinignan ko siya ng masama subukan niya lang sabihin yung word na yon sasakalin ko talaga siya dito
" Subukan mo Taeyong subukan mo. " tumaas siya ng dalawang kamay na sukong suko na sa mga titig ko sa kanya at pangiti ngiti siya. Nahawa naba siya kila mark at ten? Daig pa ang aso sa pagkaulol.
" Ano na Ms. Kim? taeyong? Nakapag-adjust naba kayo sa isa't isa? Okay na? Pwede na nating gawin yung---" napatigil yung direktor at nakita kong sumenyas senyas si taeyong na iwinawagayway yung kamay na "👐" wag at pailing iling
" Oh. Oh. Okay ahm Ms. Kim? Okay naba sayo, kaya mo na?" Napatingin ako sa direktor at napatango nalang. Nakoo ayoko gawin pero kailangan nakakahiya naman kase Kay taeyong eh. Di man ako marunong sa ganon.
" K-kaya.. Kakayanin " napayuko akong naglakad palabas at narinig na humagikgik tong si taeyong.
" OKAY!! OKAY BACK TO WORK TAMA NA ANG KAINAN MGA PUNYETA KAYO ANG TATABA NIYO NA NANDITO NA YUNG MGA TRAINEE OH? DALI DALIIIII!!!! " napatakip ako ng tenga sa kakasigaw nung direktor. Jusko parang microphone ata ang bunganga kakasigaw. Daig pa nanay ko e.
" Okay itong part nato ay yung tatalikod si Ms. Kim at biglang hahablutin ni taeyong yung kamay ni Ms. Kim.. Pagkatapos non pagkaharap ni Ms. Kim------" Pinahinto ko si direk. Dahil kanina pa niya pinaliwanag yung mga gagawin at halos saulado na namin lahat ng mga sinasabi niya
" Direk okay na po kami Alam na po namin.. kaya magshoot na po tayo para matapos na't makarecover ako sa scene na to at para diko na makita pa si----" napatingin ako Kay taeyong nang hinawakan niya ang pulsohan ko. Oops Muntik nako.
" Direk mag-shoot na po tayo " sabi ni taeyong at bigla nalang tumalikod. Nagbago ng mood? Niregla uli? Ano nanaman ang sumapi sa taong yon?
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
FanfictionDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...