Chapter (11)

340 24 0
                                    

Nakatulala lang ako habang nakaupo sa sofa. Nakauwi na rin kami galing sa bakasyon at ngayon mag-isa lang ako dito sa bahay..

Hindi ako kumakain dahil dating gawi nanaman ang lagi niyang ginagawa.. Hindi nanaman niya ko tinatapunan ng tingin o kaya di man lang nagtitira ng pagkain

Laging nasasagi sa isip ko na hindi ko na kakayanin kung maulit pa uli yung nangyari sa pinagbakasyunan namin at ramdam ko din na may babae talaga ang asawa ko. Halata naman eh

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at nakita ko si kyungsoo na bubuwal buwal, ano nanaman bang nangyare sa kanya?

" Oppa? Anong nangyari.." inalalayan ko siya at Amoy alak siya at padabog niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya

" Bitawan mo 'ko! Ikaw na babae ka lumayas layas ka na nga dito! Palamunin ka na nga nagpapabigat kapa " sinagi niya ko at napasandal sa pader pero hindi ko to ininda at inalala pa siya

" Teka magdahan dahan ka naman sa paglalakad Baka mapano ka! "

" Pwede ba?! Wag mo akong pakialaman Sawang sawa na ko pakisamahan ka! At sawang sawa na ko sa pagmumukha mo! ayaw na kitang makita.. Tch nang dahil sayo? Iniwan niya ko INIWAN NIYA KO!!! Bakit ba kase ikaw pa? " napaluha na lang ako sa mga pinagsasabi niya

" H-Huwag ka naman ganyan sakin.. mahal na mahal kita Oppa " lumuhod ako sa kanya at hinawakan ko siyanagsasalita

Pero sa halip na sagutin niya ko ay biglang niya akong tinulak at napaupo sa sahig

" Wala akong pakialam kung mahal mo ko.. Ayoko na nang ganito mag divorce na tayo " napatulala ako sa kanya at pilit na iniisip kung ano ang huling sinabi niya

Mag divorce na tayo

Mag divorce na tayo

Mag divorce na tayo

" M-mag Divorce? " nadurog lalo ang puso ko nang ihagis niya sa harap ko ang isang envelope at binuksan ko ito

" Nakapirma na ko diyan at pirma mo nalang inaantay ko.. Pagkatapos nang lahat ng 'to pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo. " tumalikod siya sakin at pabuwal buwal na umakyat pero huminto siya

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon