Idededicate ko to dun sa nagcocomment lagi sa mga chapter ng kyungsoo's wife. Masyado nang lumalaki ang ulo ko dahil sa pagcocomment mo 😂Phone lang gamit ko ahh kaya mention nalang kita HOHOHO. Alabyo! 😘
-----------
" Sino ba kase gusto mong magsabi ako ba o ikaw na? " iritang sabi naman ni baekhyun sakin kakainis naman tong si baekhyun e
" Ikaw na kase! Nagpapasuyo nga lang ako sayo oh. Sasabihin mo lang sa kanya tapos tapos na! Andali dali lang ng pinpasuyo ko eh " irita ko ding sabi sa kanya pano naman kase ke arte arte di manlang masabi sabi simpleng sentence lang nga pinapasabi ko eh
" Oh! Eh madali lang pala edi ikaw na gumawa " AIIISH.
" Hindi.. joke lang sige sabihin mo na gwapo ka naman eh " masuka suka na ko sa isip ko nun. Tapos ngumiti lang siya kaya naman pumasok na siya don sa kwarto.
Ngayon na ang unang araw ng practice ko at well, naka bihis nako lahat lahat pero yung isa kase don hanggang ngayon tulog pa din. Diko naman kase nasabi sa kanya kagabi dahil nawawala ako sa sarili ko bawat may gagawin at may sasabihin siya
Atsaka bakit pa kase kailangang magsabay pa kami nun Kelangan ba eh malelate lang ako dahil sa kanya
" Liit, wala naman siya sa loob eh Baka umalis na " nanlaki ang mata ko sa sinabi ni baekhyun
" ANO!? " napatingin ako sa relo ko at 20 minutes na lang at mag 7:00 kaya napaariba nako
" AH EH Pakisabi sa kanila umalis ako ng maaga ah. Annyeong! " lumabas agad ako ng dorm at nagtatakbo pababa. Gumamit nalang ako ng hagdan kase may mga taong makakakita sakin na galing sa dorm ng exo
Pagkababa ko ay lumabas nako sa building at naghahanap na ng taxi ng biglang
*BEEP * BEEP
Napatingin ako dun sa bumusina at biglang bumaba yung bintana ng driver's seat kaya nakita ko kung sino yung nakasakay
" Ang tagal mo naman? Alam mo bang 30 minutes na ko nagaantay sayo. Tara sumakay kana at malelate na tayo " tong kwago na to makareklamo eh nagantay din namab ako.. bigla nalang ako napapasok sa kotse niya at nagseat belt agad ng biglang may lumitaw na tinapay sa mukha ko
" Yan kainin mo alam Kong di ka nakapagalmusal dahil kaaantay mo sa pinto ng kwarto ko " napahawak nalang ako sa sandwich na yun at napansin Kong meron pang isa na nakalagay sa gitna namin
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
Fiksi PenggemarDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...