Chapter (27)

259 21 1
                                    



Pagkababa ko nang taxi ay nakita ko agad si Chanyeol at lumapit ako at niyakap niya ako. Kahit ngayon lang na makapagpahinga ako sa mga nangyayari sakin kahit ngayon lang.


" H-Hindi ko na kaya y-yung mga nangyayari ang h-hirap intindihin Oppa " iyak ko sa dibdib ni chanyeol.. Sana si chanyeol nalang ang una kong nakilala sana siya nalang ang minahal ko.


Siguro kung si chanyeol pa ang naging asawa ko baka hindi pa ganito ang dadanasin ko. Sweet si chanyeol palatawa(kahit creepy ang ngiti niya) caring at mapagmalasakit. Kaso hindi eh, si kyungsoo pa din ang naging asawa ko na hanggang ngayon mahal ko



" Oppa b-bakit kahit anong gawin ko mahal ko pa din siya kahit anong iwas ko gusto ko pa rin siyang makita " iyak kong sabi sakanya habang nakadukdok ako sa dibdib niya


" Uyy huwag ka nang umiyak. Ganon talaga kapag mahal mo di mo kayang iwasan kase kapag lalong mong iniwasan lalo mong minamahal kase namimiss mo siya eh gusto mo lagi siyang nakikita at nakakasama " umangat naman ako ng tingin sa kanya habang lumuluha at sumisibi. Napaiwas siya ng tingin


" Pero ayoko na gusto ko nang lumayo para lang makapag isip isip ako pero paano ko magagawa yun kung lagi siya nakadikit at lagi nalang nanggugulo " hinawakan niya ang mukha ko at hinawi ang buhok ko at tumingin sakin


" Sige tutulungan kita ako na ang bahala sayo at huwag ka nang umiyak. Baka kase maiyak din ako kapag pinagpatuloy mo yang kagaganyan mo eh. Hahaha " napatawa naman ako ng konti pero sumeryoso uli ako at nakita Kong nagiisip siya at bigla nalang napatingin sakin at ngumiti


" Alam ko na! gusto mo bang lumabas tayo? Matagal tagal na rin naman ako na hindi nakalabas at nakapanood ng movie eh. Puro kain sa labas tapos ikaw naman puro training at lagi iba kasama mo kaya yan nagseselos na tuloy ak--- kami, nagseselos kami!  " pagkasabi niya nun ay napakamot siya ng ulo niya habang nakangiting nakatingin sakin. (mm)


Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon