Napatayo ako nang biglang may kumatok sa labas ng kwarto ko kaya bigla akong pumunta sa pinto para bulyawan yung kumakatok. Kaaga aga nambubulabog makasakit sa eyebags eh.
" ANO BA MAKAKATOK WAGA----- taeyong? " nagulat ako sa kanya at binigyan niya lang ako ng poker face.. Habang nakapamulsa nanaman sa pantalon niya. Teka? Anong ginagawa ng lalaking to dito.
" Teka, Bakit nandito ka.. asan sila Oppa? " tanong ko sa kanya at nagkibit balikat naman siya sakin. Ang sarap naman kausap nito.. Hindi man lang sumasagot hanggang kelan ba ko magtitiis kausapin tong lalaking to
" Bakit ba kumakatok ka? May problema ba? " tanong ko sa kanya at umupo siya sa dining room at umupo din ako katapat niya at tinitigan siya
" Bago mo ko kausapin, magmumog ka muna lahat ata ng tinagong bango ng hininga mo binuga mo na lahat sakin " Ay, oo nga pala kagigising ko lang tapos magkatapat pa kami sa pintuan kanina.. Kaya naman pala di makapagsalita.. Nabahuan ata eh sorry naman kasalanan niya din yun noh. At bawi ko sa kanya yan masyado kaseng pacool hindi naman mukhang cool
Pumunta ako sa lababo at nagmumog na ko pagtapos ay humarap naman ako sakanya at naghahanda na siya ng Plato kaya naman nakisyoso ako nakisingit singit sa ginagawa niya
" Hindi kapa ba kumakain? " tanong ko sa kanya pero bago niya ko sinagot ay tumingin siya sakin at nakataas ang isang kilay niya. Aba tong taong to nawiwili na sakin eh. Babatukan ko na talaga to ng Plato e
" Sa tingin mo ba.. Maghahanda ako ng pagkain kung di pa ko kumakain?" Ang sungit naman nito. Akala mo naman sa kanya tong dorm at kung makagamit pa ng mga gamit dito kala mo dito siya nakatira. Pigilan niyo ko at baka masapak ko ng bongga to.
" Tch, Odi hindi ka pa nga kumakain. Sabi ko nga eh. " regla overload nanaman ata tong lalaking to pasalamat siya wala akong regla ngayon at diko siya masasabayan sa kaulolan niya
" Umupo kana dito at kumain kana.. Pagkatapos mong kumain maligo at magbihis kana dahil pupunta pa tayo sa studio para maharap mo na ang mga trainer dito sa SM. Tsaka kaya wala dito sila hyung.. May Concert sila sa ibang bansa at baka next week pa sila makabalik dito. " isa lang ang masasabi ko Kay taeyong. WOW grabe huh? nakipagusap siya sakin at ang haba pa ng sinabi niya ah infernes kailangan panng konting push para maging madaldal na siya.
" Anong ngingiti ngiti mo? Kain na! " napakain na lang ako at dinama ang kinakain ko.. Aish, kaninong luto ba lahat ng to lagi nalang masarap. Kapag ako may time magluto iluluto ko ang ipinagmamalaki ng pilipinas dito sa Korea eh.
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
FanfictionDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...