Feel na feel ko talaga tong story na to kaya magu-update ako!
-------------
Oww. Ganon pala kaya ganun yung sinabi ni Mr. Lee soo man Sakin, akala ko ba naman ampon na ko samin at kung ano ano ang pumasok sa isip ko. Pauso kase Anak pa daw ang tawag sakin eh yun naman daw talaga yung tawag niya sa mga trainee atsaka isa pa (matanda na siya) kaya mga anak na ang tawag niya
Atsaka balak naman daw talaga niya i-debut yung mga lalaking yun naghahanap lang daw siya na kahit isang tao na magsasabi kung bakit kailangan na nila magdebut eh yun nga daw ang kaso takot yung mga tao sa kanya kaya di nalang nagsasalita yung iba.
" Huy, masyado ka namang matulala niyan. Anlaki laki na ng mata mo " napatingin naman ako sa nagsabi non at sinubangutan siya. Raulong Jaehyun to.
" Syempre mana yan sa asawa niya " ngingiti ngiti naman ni mark na nakatingin sakin at nagtinginan din sila ni ten at nag OK sign pa si mark
" Tch " napatingin naman ako kay taeyong na akala mo ahas kung makasutsot.
Kumakain na pala kami ngayon ng tanghalian tinawagan kase ako ni kyungsoo na aalis daw siya para makahabol kila chanyeol don sa concert nila at ako nalang daw kumain mag-isa. Ang saya diba? Pero buti nalang nandito sila mark at sabi nila sasamahan daw nila ako.
" Alam mo sana di nalang kayo nagdivorce ni kyungsoo hyung eh. Kase kita niyo naman ang sweet sweet niyo " sabi naman ni ten at sangayon na sangayon naman si mark na kung makatango daig pa ang aso.
Nakita ko naman sumenyas na parang bumulong si jaehyun ng "Siraulo kayo ay"
" Sweet ba yon? Iniwan ako dito. " sabi ko at tinusok tusok yung kinakain ko habang nakanguso
" Oh. Bakit ka nakangiti taeyong hyung? " pagkasabi ni jaehyun aynapatingin naman ako Kay taeyong at nakangiti naman siya ngayon. May sayad ata tong lalaking ito eh.
" Bakit? Hindi ba pwedeng nasarapan lang sa pagkain" sabi niya at tumingin uli sa kinakain niya at sumubo uli.
" Ah! Mapunta tayo sa pagkain. Diba umalis si kyungsoo hyung? Tsaka ang pagkakaalam ko siya nagluto niyan para sayo. Diba sabi niya na ipagluluto ka niya ngayon? Edi kahit pala umalis siya nagmamalasakit pa rin siya sayo " at nagapir naman sila ni mark at at ni ten. Parang mga shunga tong lalaking to bawat sinasabi may reaksyon.
Napangiti naman ako sa sinabi nila totoo naman kase na si kyungsoo nagluto nito atsaka inaamin ko talaga na napakasarap niyang magluto at ngayon ko palang natikman yung mga luto niya. Naaalala ko noon kung makapagdamot siya sa pagkain kala mo mananakaw yung mga pagkain dahil lagi niya sinisimot at kahit katiting di ako tinitiran pero ngayon eto nagluto siya nang para sakin at hindi na siya ampalaya katulad nang pantitrip niya noon sakin.
BINABASA MO ANG
Kyungsoo's Wife
FanfictionDati isa ka lang sa mga fans niya na humahanga sa kanya na laging sisigaw sa kanya na " Mahal kita Kyungsoo-ah!" At laging hahanap ng paraan para lang makita mo siya Lahat ng humahanga sa kanya gusto siyang mapangasawa mapateenager o mapatanda man p...