Chapter (10)

348 23 1
                                    

Umalis na ako don at naglakad lakad sa kalsada habang nakayuko. Kailangan ko ng makakaramay hindi ko kakayanin kung ako lang ang magisa ngayon hindi ko talaga kaya

Bakit ba kase ako ang napangasawa niya tch, eh siya na nga ang nagsasabing malandi ako at walang kwenta nagsasawa na rin ako sa mga pinagsasabi niya sakin pero bakit diko pa rin magawang iwan siya


Bakit kahit na sinasaktan na niya ang damdamin ko patuloy ko pa rin siyang minamahal at umaasa kakaiba ata talaga ang tama sakin ng isang Do kyungsoo dahil yung mga dating hindi ko kayang gawin. Nagagawa ko na para lang sakanya


Bakit kahit anong gawin ko babalik at babalik pa rin ako sa kanya hanggang kelan pa nga ba ako magpapakamartir para kay kyungsoo


" Liit? " napalingon ako sa tumawag sakin

" Umiiyak kaba? Anong-----" niyakap ko siya agad at nagiiyak sa dibdib niya

" O-oppa Hindi ko na kaya " lalo akong napahagulgol sa dibdib niya, lagi lang naman si chanyeol ang nasa tabi ko lalo na kapag nangangailangan ako


" Tahan na nandito lang ako, di kita iiwan " pagkasabi niya nun ay niyakap niya ako ng mahigpit pinatong ang ulo niya sa balikat ko

" Matatapos din lahat ng to. Magtiwala ka lang " pagkasabi niya nun at niyakap ko siya pabalik ng mahigpit na mahigpit. Okay na siguro to atleast may taong nandito para damayan ako.

Bigla akong may naaninong lalaki sa loob ng isang kotse at kitang kita ko na sa amin siya nakatingin. Hindi ko Alan pero may sumagi sa aking isip na puntahan yun ng bigla akong hinatak ni chanyeol

" Tara magpalipas muna tayo ng oras para naman mapagusapan natin yang problema mo atsaka tignan mo nga sarili mo papayat ka ng papayat. Gusto mo bang magkasakit sa pinaggagagawa mo? " sabi sakin ni chanyeol at hinatak nalang ako at napalingon uli sa kotse at wala na yun. Nasan na?

Kyungsoo's Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon