Franzine Guillar
Masama akong nakatingin kay Hazel habang nakaabot siya sa 'kin ng isang damit na ayaw na ayaw kong suotin.
Kahit kailan di ako nagsusuot ng dress. Kahit pagkabata ko, di ko gusto magsuot ng ganoong damit.
Talaga bang lahat ng party kailangan naka-dress?"Oh bakit ganyan ka makatingin?" nagtatakang tanong niya sa 'kin. Nanatali akong nakatingin sa kanya ng masama. Tiningnan niya ang kabuuan ng damit na ibibigay niya sa 'kin.
"Di mo 'to gusto?" tanong niya muli. Malamig ko siyang tiningnan at tatalikuran na sana ng pigilan niya ako.
"Ano ba, Zi? Ba't di ka nagsasalita? Ayaw mo ba sa dress na 'to? Gusto mo ba palit tayo?" nagtatakang tanong niya na naman. Tiningnan ko siya pagkatapos ay sa damit at saka balik muli sa kanya.
"Sinong may sabi sa 'yong nagsusuot ako ng ganyan?" malamig na pagtatanong ko naman sa kanya. Nagkasalubong ang kilay niya pero bigla nalang ngumuso.
"Ayaw mo bang nagsusuot ng ganito? Maganda naman 'to ah at saka hindi naman 'to masyadong revealing.. Sakto lang at simple.." sagot niya.
"Mapilit ka na nga sa pagsama sa 'kin pati ba naman sa susuotin ko? E, 'wag nalang kaya ako sumama? Ano sa tingin mo?" tanong ko na naman sa kanya. Napapadyak naman siya ng kanyang paa at padabog na tumungo kay Mama. Nagulat pa ako sa ginawa niya, pinakita niya kay Mama ang dress at may sinabi pa siya.
"Huy Zi, tawag ka ng mama mo!" inis na sambit ni Hazel sa 'kin. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako tumungo sa kama ni Mama.
Tumingin ako kay Mama na nakatingin sa 'kin, mabagal niyang tinuro ang dalang damit ni Hazel at saka niya tinuro ang katawan ko. Ibig sabihin nun, ay susuotin ko ang damit na 'yun.
Bwesit na Hazel 'to ang daming alam...
"Oh tingnan mo, mismo si Tita Suzette na talaga ang nagsabi niyan sa 'yo ah.." sabi ni Hazel at nginisihan pa ako ng mapang-asar na ngiti. Napalunok naman ako at saka dahan-dahan na ngumiti kay Mama at marahan kong kinuha ang damit na hawak ni Hazel.
"Sige ma.. Kung 'yun ang gusto niyo.." napipilitan kong sabi. Sinamaan ko muna ng tingin si Hazel bago ko siya tinalikuran.
"Babalik na lang ako mamaya, Zi. Be sure your ready huh?" sigaw ni Hazel at ngumiti pa ng malaki at pakaway na lumabas ng bahay.
Kainis! Mamaya ka sa 'kin, Hazel..
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay tiningnan ko muna ang damit na pinahiram ni Hazel sa 'kin. Simple lang naman siya at sakto lang ang haba at kurba sa katawan ko, maganda siya sa paningin pero ayaw ko paring suotin, kaya lang wala na akong magagawa dahil si Mama na mismo ang nagsabi sa 'kin. Napabuntong hininga ako at napilitan na magbihis at sinuot ang damit.
-After 30 minutes-
Tiningnan ko muna ang hitsura ko sa salamin. Seryoso kong pinagmasdan ang sarili ko.
Walang-wala sa hitsura ko ang magsuot ng ganito..
Paglabas ko ay pinuntahan ko agad si Mama at pinakita sa kanya ang damit na gusto niyang ipasuot sa 'kin. Ngumiti siya at itinaas ang magkabilang kamay niya na para bang gusto niyang yumakap ako sa kanya. Di naman ako nagdalawang-isip na yakapin siya ng mahigpit.
![](https://img.wattpad.com/cover/59023141-288-k801269.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)
Teen Fiction(Completed) Paano magmahal ang isang Gangster sa isang Nerd? Paano kung may desisyon na kailangan gawin para sa kapakanan ng mahal niya? Paano kung susuko na siya? Pero ang isa naman ay patuloy parin ipinaglalaban ang pagmamahalan nila? Magiging mad...