XXXI. Always

1.2K 52 0
                                    




Franzine Guillar





December 23 na.





Rinig ko na ang paputok ng kapitbahay ko. Minsan nga ay naiinis ako dahil hindi ako makatulog ng maayos dahil sa ingay. Bukas desperas na ng Pasko pero di parin gumagaling si Mama. Hindi ko alam kung maghahanda ba kami o hindi, dahil para sa 'kin? Ayoko. Gastos lang 'yun, mas mabuti pang ibili ko nalang ng gamot ni Mama.






Napatingin ako kay Aling Pacing na busying-busy  sa mga papel. Di ko alam kung anong meron sa papel pero napansin ko lang mukang napapadalas na ang lakad niya. Di ko naman alam kung sa'n siya pumupunta pero parang sobrang importante ng mga lakad niya.





Ano bang pinagkakaabalahan niya?






"Ziiiiii!!" sigaw ni Hazel. Napatingin ako sa pinto ng bigla siyang pumasok.





Ano na naman ba ang kailangan ng babae'ng 'to?





"Pwede ba 'wag kang sumigaw? Maingay na nga 'yung kapitbahay, dumagdag pa 'yang bibig mo. Ano bang kailangan mo?" inis na singhal ko sa kanya.





"Oa naman nito, nakakahurt ka ng feeling. Aayain sana kitang lumabas. Wala ng klase oh? Mag enjoy naman tayo." masayang sabi niya at parang nag-iisip ng mapupuntahan.





"Tss. Mag isa ka." sagot ko at tinalikuran siya.





Pumasok muna ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. May nakita akong mga messages na galing kay Nerd.





3 unread messages.



From: Nerd

Nasa bahay ka ba ngayon?





From: Nerd


Pupuntahan kita dahil may pupuntahan tayo. Bihis ka na huh?



From: Nerd


I'm on my way.




Magre-reply na sana ako ng muli na namang sumigaw si Hazel sa labas.





"Ziiiiiiiii!!!" malakas na sigaw niya. Naiinis kong binuksan ang kwarto ko at doon ko nakita si Hazel na parang kinikilig.




"Zi, nandito si Prince. Ang gwapo niya talaga!" nakangiting sabi niya habang niyug-yug ang braso ko. Inis ko naman itong winakli at saka akolumabas. Nakita ko si Nerd na nakatayo sa gilid at nakatingin sa cellphone niya.




Napatingin siya sa gawi ko at nginitian niya rin ako saka siya dahan-dahang lumapit sa 'kin.
Tumingin siya sa 'kin sa ulo hanggang paa.




"Bakit di ka pa nakabihis?" tanong niya sa 'kin.





"Kasalanan ko bang ngayon ko lang nabasa ang text mo at ngayon ka rin agad dumating? At saka, ba't parang sure na sure ka na sasama ako sa 'yo?" pabalik kong tanong sa kanya.





"Aish! Wala ka kasing choice kundi ang sumama sa 'kin." sagot niya. Napa 'tss' nalang ako at pumasok sa loob at siya naman ay naghihintay sa labas.




"Zi, magdedate ba kayo ni Prince? Kaya pala nung inaya kita kanina ay di ka pumayag dahil pala may nauna ng reservation. Ayeee." sabi ni Hazel. Di ko na siya pinansin at pumasok ulit sa kwarto. Nagsuot ako ng plain black jeans at black v-neck t shirt. Simple lang.




Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon