Franzine Guillar
Nagising ako sa malakas na katok galing sa labas ng bahay. Bumangon ako at lumabas tumingin muna ako sa gawi ni Mama. Gising na siya at nakatingin lang sa kesame. Nilapitan ko muna siya at umupo sa tabi niya.
"Ma.." sambit ko sa kanya. Napatingin naman siya sa 'kin at ngumiti.
"Hmmmmmm (Good Morning Anak)" sabi ni Mama. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan sa noo sabay bulong ng..
"Goodmorning rin sa 'yo Ma." bulong ko. Tumungo ako sa pintuan at bumungad sa 'kin si Hazel na naka uniform na. Papunta na siguro 'to sa skwelahan niya.
"Oh?" walang gana kong bungad sa kanya.
Ano ba kasing kailangan niya at nambubulabog ng maaga?
"Goodmorning rin Zi ^____^" nakangiting bati niya Nagkasalubong naman ang kilay ko sa inasta niya.
Kahapon lang ang tulala siya pero ngayon kung makangiti parang wala lang mang nangyari kahapon?
"Oh?" tanong ko ulit habang malamig siyang tinitingnan.
Inaantok pa ako eh! -___-"I want to thank you pala for buying this to me!" masayang sabi niya sabay pakita sa wattpad book na pinabili ko kay Jam kahapon.
Oh? Nasa kanya na pala?
"'Wag kang mag-alala huh? Ililibre kita ng foods next time!" dagdag niya sa sinabi niya.
"Hindi ko kailangan ng kapalit." malamig na sabi ko sa kanya. Medyo napanguso siya dahil sa sinabi ko.
"Ganun ba?... Mabuti narin 'yun! Hahaha bye, Zi!" paalam niya bago siya umalis.
***
"Aling Pacing una na po ako. Kayo na po bahala ni Mama." paalam ko kay Aling Pacing.
"O sige Zi. Mag ingat ka!" sagot niya. Tumango lang ako sa kanya. Nagpaalam narin ako kay mama bago lumabas.
[]University[]
Bakit ako maaga dito? Dahil may ipina-assign sakin yung si Sir Manuel sakin tungkol sa magaganap na english fest dito. Gusto ko mang umayaw, wala narin akong magagawa. Kaparusahan raw yun dahil sa katutulog ko sa klase niya at bakit rin daw ako lage naka jacket pag pumapasok? Alam niyo naman ang dahilan diba?
Pagpasok ko sa room ay wala pang estudyante, 6:30 kasi akong umalis at 7:00 pa ang pasok nila dito kaya naghintay nalang ako sa kanila at kay Sir Manuel na rin.
Di rin naman nagtagal ay nakita ko si Sir Manuel na salubong ang kilay na naglalakad patungo sa 'kin. Huminto siya sa harapan ko at tiningnan ako paa hanggang ulo.
"Buti naman at hindi ka late ngayon, Ms. Guillar." sabi niya sa 'kin. Tiningnan ko lang siya gamit ang malamig kong tingin.
"Ito ang kapalit ng pagsagot-sagot mo sa 'kin nung nakaraang araw. Ikaw ang mag-aasikaso ng English Fest at tutulungan mo rin ang mga Seniors at Juniors sa gagawin nila." sabi niya pa. Tinanguan ko lang siya at tatalikuran na sana ng magsalita siya muli.
![](https://img.wattpad.com/cover/59023141-288-k801269.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)
Подростковая литература(Completed) Paano magmahal ang isang Gangster sa isang Nerd? Paano kung may desisyon na kailangan gawin para sa kapakanan ng mahal niya? Paano kung susuko na siya? Pero ang isa naman ay patuloy parin ipinaglalaban ang pagmamahalan nila? Magiging mad...