Franzine Guillar
Pagkatapos ng klase ay di ko na pinansin si Nerd na tumatawag sakin at nagmadaling umalis. Tumungo agad ako sa hide out. Nandun silang lahat except kay Boss.
"FG." tawag ni AM sakin. Di ko siya pinansin at nagmadaling tumungo kay ZK at kwinelyuhan siya.
"FG, ano bang ginagawa mo?" sigaw nila akin. Pero di ko sila pinansin at masamang tiningnan si ZK.
"Tangina ka. Wala kang karapatan na sabihin sakin yun." galit na sabi ko.
"Karapatan ko yun. Ako ang Rank 1 sa atin. Kaya kailangan mong sundin ang inuutos ko." sagot niya sakin. Di ko napigilan ay sinuntok ko siya ng malakas sa mukha.
"P*tcha. Wala kang karapatan. Wala kang magagawa dahil hindi mangyayari ang gusto mo." diin na sinabi ko sa kanya. Pinahid naman niya ang dugo na natamo niya sa pagsuntok ko at tumayo.
"Tsk! Di ko akalain na mas pipiliin mo siyang ipahamak kesa sa iligtas. Wala ka ba talagang puso para sa kanya? Pwede siyang madamay sa laban. Gagawin at gagamitin siya para sayo bilang kahinaan mo. Di ka ba nag iisip?" sigaw niya sakin.
"Kahit kailan di ko siya ipapahamak. Kayang kaya ko siyang protektahan." sagot ko at umalis na.
Paglabas ko ay napa upo ako at napatakip ako sa mukha ko. Biglang kong naalala ang simabi ni ZK.
"Tsk! Di ko akalain na mas pipiliin mo siyang ipahamak kesa sa iligtas. Wala ka ba talagang puso para sa kanya? Pwede siyang madamay sa laban. Gagawin at gagamitin siya para sayo bilang kahinaan mo. Di ka ba nag iisip?"
"Tang*ina! Kaya ko siyang protektahan." sigaw ko.
Hindi ko siya hahayaang mapahamak. Kaya ko siyang protektahan. Kahit buhay ko pa ang kapalit.
---
Prince Yonard Greffin
Pag uwi ko sa amin ay nakita ko si mommy sa sala. Tumitingin siya sa mga magazines. Naramdaman naman niya ang presensiya ko kaya napatingin siya sa gawi ko.
"Son? Come here. May ikwekwento ka pa sakin." masayang sabi ni Mommy. Naglakad naman ako sa patungo sa kanya at tumabi sa pag upo.
"Spill it son." sabi ni Mommy.
Bumuntong hininga ako tsaka ngumiti ng pilit.
"Franzine po ang pangalan ng girlfriend ko Mommy. At mahal na mahal ko po siya-"
"Not that son. I mean is your problem. I know you have a problem. Mamaya ka nalang magkwento about sa girlfriend mo. Kaya spill it." sabi ni Mommy.
"I don't know Mom. Di naman po siya galit sakin. But she's acting so weird kanina. Nag-aalala lang ako sa kanya. Nagtanong ako kung may problema ba siya. But she always answers me 'walang problema' pero I feel it mom na meron talaga siyang problema. Pero ayaw lang niyang sabihin. If ever meron siyang problema? Sa kanya nalang daw yun dahil ayaw niya akong mapahamak. But, mom. How about me? Ayaw niya akong mapahamak dahil gusto niya siya lang? Siya yung nagsasakrapisyo pero ako wala? Its hurting my ego, Mom." mataas na lintanya ko kay Mommy.
Bumuntong hininga si Mommy at ngumiti bago magsalita.
"Binata na talaga ang anak ko. I salute you, Son. May pakialam na sa paligid at ibang tao. Pero, in her side? I think she's right anak. Di sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mo maging problema ang problema niya. Dahil minsan kailangan natin mag isa sa pagsagot at sa paghanap ng solusyon sa problema. We should stand by our own. Hindi tayo umaasa sa iba. Even if she knows na gusto lang niya na hindi ka mapahamak kaya di niya sinabi dahil mahal ka niya. Sobra ka niyang mahal na kahit anong problema ay aakuin niya para lang maging masaya ka." sagot ni Mommy.
"But mom. Hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay kailangan niyang isipin ang kapakanan ko. What if maaksidente siya because of me dahil ayaw niya akong mapahamak? Mom, hindi madali yun. I know na minsan we should stand by our own but sometimes kailangan rin naming lumaban sa pagsubok ng sabay. Walang mauuna, walang maiiwan." sabi ko kay Mommy.
"I know son. Pwede rin siyang mali dahil gaya ng sinabi mo kailangan sabay kayong lumaban sa pagsubok. Isa lang ang maipapayo ko. Wag ka lang aalis sa tabi niya at kahit kailan wag mo siyang iiwan. Dahil kahit lumalaban siyang mag isa ay kailangan ka parin niya." huling sinabi ni Mama sakin bago siya tumayo.
"Next time mo nalang sabihin sakin ang lovestory mo." dagdag pa niya at tuluyan ng umalis.
Mommy's right. Kahit kailan hindi ko iiwan ang taong mahal ko.
KINABUKASAN. Pumasok ako sa room pero wala pa si Franzine. Haayy!! Nag aalala na talaga ako sa kanya.
Pero maya-maya naman ay pumasok na siya at umupo na sa tabi ko. Hindi ko muna siya pinansin. Hindi niya rin ako pinansin.
Matapos ang klase at naglunch na kami ay nauna siyang tumayo. Aalis na sana siya ng bigla ko siyang hawakan sa kamay niya.
"Lets talk." sabi ko. Di ko na siya hinintay pang sumagot at hinila na siya palabas tsaka kami nagtungo sa rooftop.
Nakayuko lang siya habang ako naman ay nakatingin sa kanya.
"Franzine, I'm sorry. I'm sorry kong nasigawan kita kahapon. Sorry kong sobrang kulit ko. Sorry talaga. Nag aalala lang talaga ako sayo. Ayaw ko kasing nakikita kitang nalulungkot o nakacold expression. Please, sorry na." sabi ko sa kanya. Nakayuko parin siya sakin. Dahan dahan ko namang inabot ang mukha niya at pilit na pinatingin sakin.
Nabigla ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Niyakap ko rin siya at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya.
"Sorry Nerd. I'm sorry kong nasigawan kita. Sorry kung di kita pinapansin. Sorry kung pinag alala kita. Sorry talaga Nerd. Sorry." sabi niya habang nakayakap parin ng mahigpit.
"Pinapatawad na kita. Alam mo namang di kita matitiis diba? Kaya sorry rin." bulong ko sa kanya. Kumalas naman siya sa yakap at tumingin sakin.
"Pinapatawad nadin kita. Aish! Basta bati na tayo." sabi niya sakin. Tumango naman ako at hinalikan siya sa noo.
"Promise, bati na tayo. Ikaw pa! Mahal kita eh!" sabi ko sa kanya.
"Mahal rin kita." sagot niya.
Kahit kailan Franzine. I always Love you.
TAGOS SA PUSO.
___________________
Ayeee!! Bati na sila. Gets niyo ba kung bakit sila nagkatampuhan kahapon? Kung hindi. I will give you a big clue.
Nagalit kasi si Franzins sa Rank 1 na ka gangmate niya dahil sinabihan ito kaninang umaga nung hindi pa nakarating si Franzine sa university na hiwalayan daw si Prince para hindi mapahamak sa laban nila between Mega Eagle.
Ayan! Okay na yan! Haha!
Please keep reading and voting.
Guys, medyo matatagalan pa ang next upate ko. Sorry talaga! Peace. Pero promise mag uupdate ako ng marami. Hehe
Cinelayeers27
BINABASA MO ANG
Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)
Teen Fiction(Completed) Paano magmahal ang isang Gangster sa isang Nerd? Paano kung may desisyon na kailangan gawin para sa kapakanan ng mahal niya? Paano kung susuko na siya? Pero ang isa naman ay patuloy parin ipinaglalaban ang pagmamahalan nila? Magiging mad...