XXVII. English Fest (part2)

1.1K 49 0
                                    


Franzine Guillar

Papunta kami lahat ngayon sa auditorium para sa mga contest at games na magaganap. Dahil masunurin akong estudyante edi pumunta ako. Nga pala! Kasama ko si Nerd. Na kanina pa dumadaldal.

"Basta okay na tayo huh? Tsaka yung promise natin sa isa't-isa. Dont forget it." panglima niyang sabi sa 'kin.

Talaga bang kailangan ulit-ulitin? Tss.

Di ko alam kung anong pumasok sa utak ng Nerd na 'to at gumawa pa ng Promise-promise na 'yan. Tss. Akala niya siguro masusunod ko 'yun, e lahat naman ng pangako di natutupad.


Flashback...

Pagkatapos kung tanggapin ang peace offering ni Nerd ay nilagay ko ito sa gilid ng mesa. Sa sobrang tahimik ay gumawa nalang ako ng isa pang Art Tattoo sa papel.


"Franzine," sambit nito sa 'kin. Tumingin ako kay Nerd saglit at saka ko binalik ang tingin ko sa ginagawa ko.


"Di mo ba kakainin 'yang mga cupcakes?" tanong niya. Napasulyap naman ako sa cupcake at saka ako tumingin sa kanya.


"Kailangan ko bang kainin 'yan para lang maging okay na tayo? Okay na nga tayo." sagot ko sa kanya at bumalik sa ginagawa ko.


"Paano ako maniniwala e parang wala ka lang naman?" sabi niya. Masama ko siyang tiningnan.


"Ba't ba ayaw mong maniwala? Gusto mo ba itapon ko itong dala mo?" inis na tanong ko sa kanya. Nagulat naman siya sa 'kin kaya natahimik siya. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.


Maya-maya lang ang bigla siyang muli nagsalita.


"Diba okay na naman tayo? Gusto ko gumawa ng promise para sa ating dalawa." sabi niya. Nagulat naman ako.

Promise?

"Tss. Kalokohan." walang gana kong sagot sa kanya.

Kalokohan naman talaga. Sa teleserye man o sa totoong buhay.


"Anong kalokohan dun?" takang tanong niya at inis pa akong tiningnan.


"Tss. Kalokohan 'yun Nerd. Ang mga pangako na 'yan ay di mo matutupad kahit kailan!" pilit kong pagpapaintindi sa kanya. Masyado naman ata siyang paniwala sa mga promise-promise na 'yan.



"Pero gusto ko. Gusto ko na may pinanghahawakan tayong dalawa. Can't you see? Lage tayong nag-aaway, di tayo nagkakaintindihan at ikaw..." sabi niya at pinutol pa ang sasabihin ng sinabi niya na 'ako'.


"Ako? Anong ako?" seryoso kong tanong sa kanya.


"...di kita maintindihan. You're not easy to be with—I mean, hindi ko alam kung okay lang ba sa 'yo ang mga nangyayari sa atin o hindi. You don't have a care." sagot niya. Napatitig naman ako sa kanya. Di ko alam kung bakit sinasabi ni Nerd ito sa 'kin.

Hindi ko naman hiningi sa kanya na intindihin ako.

"Paano kung di mo talaga ako maintindihan?" tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga siya.


"No, I will do my best to understand you. You're my friend. And a friend like you is worth to understand even it's hard." sagot ni Nerd. Napababa ako ng tingin at nag-isip.


Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon