Prince Yonard Greffin
"Okay, go out now. Enjoy sa English Fest." sabi ni Sir Manuel na kakapasok lang na lumabas rin naman agad.
Napatingin naman ako kay Franzine ng makita ko siyang naka-ub-ub sa mesa.Oh? Bakit parang antok na antok to? Di ba siya natulog? Napaka-antokin niya naman ata?
"Huy Franzine, tara na." pagyaya ko sa kanya sabay yugyug. Winakli niya ang kamay ko at tiningin ako ng masama at saka umub-ob pabalik sa table.
"Mauna ka na." sabi niya sa 'kin. Nagkasalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya.
Sinasabi ba niyang iwanan ko siya? No, I'll not do that, I'm not that kind of friend...
"Ayoko. Gusto ko sabay tayo kaya tara na!" sabi ko sa kanya at saka ko siya hinila.
"Aray." mahinang sabi niya at hinawakan ang kanang bahagi ng katawan niya. Agad naman akong napabitaw sa kanya at hinawakan ang parte ng katawan niya kung saan sumakit.
"Okay ka lang ba? Sorry to what I did." nag-aalalang sabi ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin ulit at kinuha ang kamay niya sa pagkakahila ko. Tumayo siya at matalim akong tiningnan.
"Pwede ba, 'wag mo kong abalahin ngayon? Nakakainis ka naman!" inis na sabi niya at diretsong naglakad palabas.
Nagalit ba siya dahil hinila ko siya?
Napabuntong-hiniga ako bago lumabas at sinundan siya.
---
Franzine Guillar
Tsk! Naiinis talaga ako sa Nerd na 'yun. Kita namang inaantok 'yung tao, nanghihila pa talaga.
Hinila niya pa ang kamay ko ayan tuloy sumakit ang sugat ko. Dalawang araw narin ang nakalipas simula ang nangyari noon sa likod ng Mall. Pagkagising ko bumungad agad ang mukha ni Jam.
Flashback...
"Shit! Salamat at gising ka na." sabi ni Jam sabay sapo sa noo at napalakpak pa sa kamay niya. Nilibot ko ang paningin ko at nasa hideout pala ako.
Alam talaga nila kong ano ang magagawa ko kapag nagising ako sa puting kwarto.
"'Wag kang mag-alala nasa hideout ka. Kita mo namang black diba?" sabi ni Jam sabay turo sa kabuuan ng hideout. Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng sakit sa bandang kanan ng katawan ko.
Dun pala ako nasugutan ng dagger na ibinato ng kasamahan ng mega eagle.. Tsk! Naka-tsamba pa talaga ang kumag na 'yun.
"'Wag ka munang tumayo dahil masakit pa 'yang sugat mo mmaya ka na umuwi. Ihahatid nalang kita at saka nasabihan ko narin yung kaibigan mo sa nangyari." sambit ni Jam at pinahiga ako ulit.
"Tsk." 'yun nalang ang tanging nasabi ko sa lahat ng mga sinasabi niya.
End of Flashback..
Pagkatingin ko sa sugat ko ay dumudugo 'to. Tsk! Lumabas agad ako ng room at nagtungo sa clinic. Bumungad agad sa 'kin ang nurse na nakita ko noon.

BINABASA MO ANG
Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)
Fiksi Remaja(Completed) Paano magmahal ang isang Gangster sa isang Nerd? Paano kung may desisyon na kailangan gawin para sa kapakanan ng mahal niya? Paano kung susuko na siya? Pero ang isa naman ay patuloy parin ipinaglalaban ang pagmamahalan nila? Magiging mad...