XXI. Official

1.5K 54 0
                                    






Franzine Guillar



Ano? Ano namang pinagsasabi ng Nerd na 'to?




"Pinagsasabi mo?" takang tanong ko sa kanya. Napahinga naman siya ng malalim at binitawan ang kamay ko na hinawakan niya para mahila ako.




"Wala.... Uwi nalang tayo." sabi niya at walang gana na umunang naglakad. Napailing lang ako na sumunod sa kanya.






***



Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si Hazel na malalim ang iniisip at si Jam na nakatingin sa kawalan. Nagtaka ako na napatingin kay Jam.




Teka, bakit nandito pa siya? Diba pinapauwi ko na siya kanina pa?




Di man lang ako napansin ng dalawang to. Wala si Aling Pacing napapansin ko nari  ang paminsan-minsang pag-alis ni Aling Pacing. Napatingin naman ako sa gawi ni Mama. Natutulog pala siya. Di ko na siya ginambala baka magising pa siya. Kaya tumungo ako sa dalawa na wala sa mga sarili at binatukan isa-isa.




*Boink*

*Boink*




"Aray!" sabay nilang sabi. Inis pa silang napatingin sa 'kin pero tintingnan ko lang sila ng malamig na tingin.




"Anong nangyayari sa inyong dalawa? At saka ikaw, *turo kay Jam* bakit ka pa nandito? Sinong may sabi na pwede kang pumasok?" malamig na tanong ko sa kanilang dalawa. Napakamot naman sa batok si Jam at sumulyap kay Hazel na nag-iwas tingin naman.




"Uhmm...ehhh...kasi..." di ko na pinatapos si Jam sa sinabi niya dahil sumungit na ako.





"Kailan ka pa naging bulol, Jam?" tanong ko sa kanya.




"Huh? Uhm.. ano kasi.. naalala ko na may sasabihin nga pala ako tungkol sa meeting.." sagot niya at tumango-tango pa.



Di nga pala ako nakapunta dahil nasugatan ako nun.





Tumingin ako ng seryoso kay Jam.




"Sa labas tayo mag usap." malamig kong sabi sa kanya. Lumabas naman agad siya. Binaling ko ang tingin kay Hazel.





"Oh? Bakit?" pa inosente niyang tanong.




"Bantayan mo muna si Mama." sabi ko sa kanya at lumabas. Paglabas ko nakita ko si Jam na nakasigarilyo. Ito na naman siya. Balak niya talaga akong gawing second hand smoke. Tss.





"Papatayin mo yan o ipapakain ko ng buo—"




"Aish, Oo na! Papatayin na nga o..." sabi niya at tinapon ang sigarilyo at saka tinapakan.




"Ano ba 'yun?" walang ganang tanong ko sa kanya.
Bumuntong hininga muna siya at tumingin ng seryoso sakin.




"Sabi ni Boss, kailangan daw natin magplano para sa laban ng Mega Eagle dahil nagsisimula na silang—"




"Tsk! Plano? Kahit may sandamakmak pa man tayong plano ay wala rin itong pakinabang." malamig na putol ko sa kanya.





"Pero 'yun ang sabi ni Boss, at alam naman natin ang magiging kalalabasan kong di tayo susunod sa mga ipinag-uutos niya. We all know that he knows the best for us." seryoso niyang pahayag.





Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon