Prince Yonard Greffin
Papasok ako sa room ng marinig ko ang bulungan ng mga babae sa labas.
"Kawawa naman siya noh?"
"Oo nga eh! Condolence sa pagkamatay ng Mama niya."
"Pero, kahit namatay ang Mama niya ang lakas parin ng dating niya. Parang wala lang sa kanya ang nangyari."
"Dah?! Gangster is a gangster. Tsaka Gangster Princess yun kaya malakas parin yun."
Gangster Princess?
"Franzine!" bulong ko at patakbong umalis tsaka tumungo sa bahay niya.
°°°°°°°°°°°°
Nasa labas palang ako ay nakita ko na ang dilaw na ilaw. Para akong nanghina habang naglalakad patungo sa pinto. Nakita ko ang lapida.
Name: Suzette Guillar
Born: Feb 14, 19**
Died: March 14, 20**
Cause of Death: Lung CancerTumingin ako sa mga tao na kasalukuyang naka upo sa gilid habang naghihinagpis. Nakita ko si Hazel at Aling Pacing na nagbibigay ng mga biscuit sa mga tao. Inilibot ko ang tingin ko para hanapin siya, pero walang senyales na nandito siya.
Lumakas ang tibok ng puso ko ng makarinig ako ng boses. Malamig na boses.
"Nerd." sa pagtawag palang niya sakin. Alam ko kung sino siya. Wala pag aalinlangan akong lumingon sa kanya. At doon ko nakita ang malamig niyang titig kasama ang isang malungkot na expresyon sa mukha niya.
Pumunta ako sa kanya at agad na niyakap ng mahigpit. Di ko naramdaman na niyakap niya ako pabalik kaya kumalas ako at tumingin sa kanya ulit.
"Franzine." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya. Tumingin siya sakin. Mata sa mata. Parang may gusto siyang ipahiwatig pero di lang niya alam kong papaano.
"B-bakit di mo sinabi ang nangyari kay Tita?" nauutal na tanong ko. Yumuko lang siya. Nabigla ako ng umatras siya at nilagpasan ako.
Para kong na estatwa sa ginawa niya. B...bakit?
Sinundan ko siya hanggang sa makapasok ako sa bahay nila. Napatingin sakin ang lahat dahil bigla kung isinigaw ang pangalan ni Franzine.
"Franzine.!" tawag ko. Pero di siya lumingon at abalang kumukuha ng biscuit.
"Please Franzine, mag usap tayo." sabi ko ulit sa kanya. Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Wag mo na ngayon, Nerd." malamig na sagot niya sakin.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Si Hazel pala.
"Wag muna ngayon Prince." malungkot niyang sabi at pilit na ngumiti.
Tumango nalang ako at tiningan si Franzine.
"Sana makapag usap tayo." sabi ko sa kanya bago umalis.
Kailangan namin mag usap. Di ko na alam ang nangyayari sa kanya. At ayaw kong mangyari ang iniisip ko. Mahal niya ako kaya di yun mangyayari.
°°°°°°°°°°
Kinabukasan ay pumunta ako ulit sa bahay ni Franzine. Wala namang gaanong tao. Nasa labas palang ako ay narinig ko si Hazel na may kausap sa phone niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/59023141-288-k801269.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)
Teen Fiction(Completed) Paano magmahal ang isang Gangster sa isang Nerd? Paano kung may desisyon na kailangan gawin para sa kapakanan ng mahal niya? Paano kung susuko na siya? Pero ang isa naman ay patuloy parin ipinaglalaban ang pagmamahalan nila? Magiging mad...